Chapter 22: ᜌᜊᜒᜃ

1.2K 66 2
                                    

"Eris,Sasama ako"

Saad ni philip habang hinahabol si Eris,Busy ito sa pagaatupag ng kanyang mga sariling kawal,Wawalo lamang sya ngunit sapat na ito upang makapasok sa palasyo.

Sumikat na ang liwanag,Iilan na lamang ngunit kailangan na nilang maglayag papunta sa palasyo.

Mamayang kinagabihan na ang kasal ng reyna,Sa pagliwanag ng buwan mula sa madilim na langit.

Marahan na humarap si Eris sa prinsipe,At nilingon ito.Sugat padin ang mga mukha nito at halatang di pa hilom ang sugat sa kanyang tyan.

"Hindi pa maayos ang iyong kalagayan"

Saad ni Eris at mulang tumalikod rito ngunit muli syang napigilan ng nahawakan ni philip ang kanyang braso.

"Sinisigurado kong malaki ang aking maitutulong,Kapalit sa aking kasalanan"

Saglit na napaisip si Eris,Minsan ng nagtraydor si Philip sa palasyo,Sana lama'y gabayan sya hindi traydurin.

"Magsuot ka ng proteksyon"

Yan lamang at tuluyan ng umalis si Eris,Gumuhit naman ang mga ngiti sa labi ni Philip.

Tuluyan na ngang lumalalim ang gabi,Dala dala ang kanilang mga kabayo ay nilayag nila ang daan papuntang palasyo.

Ilang kilometro nalang ang kaharian,Ngunit napagpasyahan ni Eris na bumaba,Lumapit naman si Philip sa kanya.

"May plano kana ba para sa ating pagpasok?"

Hawak hawak ang kanyang kabayo,Tumingin si Eris kay Philip at sinagot ang katanungan nito.

"Ang lagusan sa gilid ng palasyo"

Agad na sumakay si Eris sa kanyang kabayo,Ganun din si Philip habang kasama ang ibang kawal.

Kawal na mga tulisan,Tila palaisipan kung pano ito napaamo ni Eris.

Naglalakbay si Eris simula ng palayasin sya ng reyna,Ngunit inatake sya ng mga tulisan na may ibang grupo.

Hindi sila nanalo dito,Sa halip na sila ay masaktan,Inilayo nila ang sarili sa dalaga,At napagtanto nilang babae ito.

Hindi normal ang lakas ni Eris kaya sya ang tinatawag na pinuno sa pangkat.

"Isinara na ang lagusan"

Saad ng isang lalaki ng makalapit rito,Tama nga sya,Mga bakal na nakahilera sa lagusan,Mukhang may alam ang heneral tungkol dito.

Inis na bumaba si Eris ng kabayo pumeywang na para bang wala na syang ibang plano.

"Hindi ba't kawal mula sa ikalimang kaharian ang mga yon?"

Saad ni Philip habang tinuturo ang nga kawal na naglalakbay papalapit sa palasyo.

Napatingin naman si Eris,May mga dala itong karwahe na umaabot sa apat kaya mabilis syang nakaisip ng paraan.Madaming tao kaya hindi ito mapapansin ng ibang gwardya.

"Harangin ang karwahe at at patulugin ang mga kawal,Kunin ang karwahe at kanilang mga proteksyon sa katawan"

Agad kumilos ang mga tulisan,Hindi nagtanggal ay nakuha na nila ang kailangan nilang kunin,Itinali nila ang mga kawal ng ikalimang palasyo sa gilid ng bakal sa lagusan.

Ngayon ay suot suot nila ang mga proteksyon nito at ipinalit sa mga kawal ng ikalimang kaharian.

Gamit ang tatlong karwahe,Hindi man lang sila hinarangan ng mga kawal,May tatak ang karwahe,Nangangahulugang imbitado sila sa palasyo.

Nang makarating sa loob,Kanya kanya silang baba,Mga espada ang laman ng karwahe at iba pang kagamitan,Kung sinuswerte nga naman,Ani ni Eris.

Nagdidilim na ang paligid,Agad nakapasok kasama si Philip sa loob ng pangyayarihan ng kasal,Habang si Eris,Gumagawa ng paraan upang makausap ang reyna.

The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon