Chapter 9: ᜑᜇᜒᜅᜒ

1.4K 84 2
                                    

"Mahal na reyna"

Mahinang turan ni Eris ng makita ang reyna sa kanyang tabi pagmulat nya ng kanyang mata.

Nakaupo ang reyna sa gilid,Nakapatong ang ulit nito sa kama.

Dahan dahang bumangon si Eris at hinawakan ang kamay ni Nathalia,Naramdaman nito ang hawak kaya nagmulat nadin ito ng mata.

"Gising kana pala"

Umangat ang reyna sa pagkakaupo,Napagmasdan ni Eris ang itsura nito,Napakaganda padin nito,Hindi nya suot ang korona.

"Maraming salamat sapagkat nananitili ka sa aking tabi"

Marahan naman tumango ang reyna,At tumayo sa kinauupuan nya.

"Mahal na reyna"

Sakto namang pumasok si Sonya,Dala dala ang damit na para kay Eris,May mantsa kasi ang damit nya lulan ng nangyari kahapon.

Yumuko si Sonya sa reyna at inilapag sa harap ni Eris ang mga bagong damit.

"Magpalit ka muna ng kasuotan ginoo"

Dahan dahang tumayo si Eris sa kama at napansin nyang nakayapak na lamang sya.

"Mangingat ka,Sariwa pa ang iyong sugat"

Walang reaksyon na sagot ng reyna,Ngunit halata mo ang sinseridad sa boses nito.

Napabalikwas naman sila ng may biglang pumasok sa kawal sa silid.

Yumuko ito sa reyna.

"Mahal na reyna,Ang prinsipe na galing sa ika anim na kaharian ay nandito na"

Nagkatinginan si Sonya at ang mahal na reyna,Saglit nyang inaayos ang sarili nya at tuluyan ng sumunod sa mga kawal.

"Nathalia!"

Isang nakakabulabog na sigaw ang natangap ng reyna sa pagpasok sa palasyo na si Philip.

Galit itong nakamasid sa reyna,Kakasikat pa lamang ng araw ngunit narito na ang prinsipe.

Tahimik lang na nakamasid ang
Reyna na kakalabas pa lamang ng silid.

"Philip"

Mahinang sigaw ng hari na kasi nya lamang,Bastos ang turan ng binata sa reyna.

Isinawalang bahala ito ng prinsipe at pinagpatuloy ang galit sa harap ng reyna.

"Paalisin mo na sya sa palasyo,Ako na ang hari!"

Galit na saad nito,Ngunit matamnan lang syang tinignan ng reyna,Kalmado padin ito.

Naglakad ang reyna papunta sa trono nya,Prente syang umupo at tumingin sa prinsipe.

"Wala akong binangit na kung sinong manalo sa laban,Ay syang magiging hari,Diba?"

Tila natigil ang prinsipe sa narinig,Ngunit namumutawi ang pagkasarili nya.

Dali dali itong naglakad papunta sa reyna,Agad lumapit ang mga kawal ng bigla itong pumasok sa silid ng reyna.

Tila nanigas ito sa nakita,Si Eris na nasa kanyang silid,Nakabihis ito ng bagong damit.

Mabilis nyang tinakbo ang papunta kay Eris,Pinasadahan nya ito ng malakas na kamao,Dahilan upang bumagsak ang binata.

Hawak hawak sya ng mga kawal ngunit hindi nya ito hinayaang pigilan sya.

Pinaulanan nya ito ng suntok,Tumigil na lamang sya ng marinig ang kakaibang boses ng reyna sa pagtawag ng pangalan nya.

"Philip!"

Hinawakan nya ang kwelyo ni Eris,Gigil nyang tinignan ito.

"Ikaw ang nandaya sa ating dalawa,Manloloko"

The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon