Chapter 13 : ᜆᜓᜄᜇ᜔

1.2K 65 0
                                    

"Iris"

Tawag ni Eris sa kapatid habang papunta sa kanilang silid,Inumaga na sya sa palasyo para tignan at bantayan ang mahal na reyna.

"Iris!"

Agad nyang ginalugad ang buong kwarto,Wala ang dalaga doon,Inikot nya ang buong silid at hindi nya ito matagpunan.

Nagsimula ng kabahan ang buo nyang sistema sa paghahanap ng kapatid,Magulo ang kama nila,Ganon nalang ang gulat nya ng makitang naiwan ang pares ng mga tsinelas sa gilid ng kama.

Mabilis syang tumakbo sa labas upang hanapin ang kapatid ngunit hindi nya ito namataan.

Dumiretso sya sa palasyo,Natanaw nya ang reyna na kausap ang heneral,Pumasok syang hinihingal at pawisan,Dahilan upang matigil ang reyna sa kanyang ginagawa.

"Si Iris"

Matamnan na bulong ni Eris hawak hawak ang pares ng tsinelas ng kanyang kapatid,Agad lumapit ang reyna at ang heneral sa likod nito.

"Nadakip nila ang aking kapatid"

Ang boses na binata ay nagsisimula ng mag garalgal,Ang mga luha sa mata ay nagbabadya ng bumagsak.

Ang tuhod ni Eris ay simulang bumagsak sa lupa,Nanghihina ang kanyang katawan,Hindi man lang nya naprotektahan ang kanyang kapatid.

Lumapit ang heneral at marahan na hinawakan ang balukat ni Eris.

"Ginoong Eris,Gagawin namin ang lahat upang mahanap ang iyong nawawalang kapatid"

"Hanapin nyo sa buong palasyo ang kanyang kapatid,Hanapin din ninyo kung san ang bunga ng pitong kaharian"

"Masusunod,Mahal na reyna"

Saad ng heneral ng yumuko sa binata at sa reyna,Agad namang lumabas ang heneral kasama ang mga kawal.

Nagsara na ang pinto ng palasyo,Palabas sa silid si Sonya ng makita ang pangyayari.

Agad itong lumapit sa Reyna at kay Eris.

"Mahal na reyna? May panganib ba na muling naganap?"

Tulala padin si Eris habang bagsak padin ang kanyang tuhod sa sahig,Tuluyan na ngang nahulog ang nagbabadyang mga luha.

"Nadakip ang kanyang kapatid ng mga tulisan"

Nabitawan ni Sonya ang kasuotan na kanyang dala dala,Kausap lamang nya ito kahapon at bigla bigla nalang mawawala.

Dinampot nya agad ang nasa sahig at dali daling tumakbo palayo.

Malungkot na turan ng reyna,Marahan syang bumaba upang pantayan ang mukha ng binata.

Itinaas nya ang baba nito ng mapansin na basa na ang mga pisngi nito.

Gamit ang kamay ng reyna ay marahan nya itong pinunasan,Inilahad ang magkabilang palad sa pisngi ng binata.

"Huwag kang magalala,Mahahanap natin sya"

Saad ng reyna at hinalikan ang noo ng binata,Marahan nya itong niyakap ng mahigpit.

"Mahal na reyna!"

Sigaw ng isang kawal ng magbukas ang pinto ng palasyo,Napabitaw sila sa yakap at tinignan kung kanino ito nang galing.

"May mga tulisan sa labas ng ating palasyo"

Nagkatinginan si Eris at Nathalia,Sabay naman silang tumayo at lumabas,Nakaabang ang heneral ng lumabas ang reyna.

"Mahal na reyna,May dala silang binibini at maganda ang kasuotan nito"

Nagliwanag ang mata ni Eris sa narinig.

The Monarchy: Nathalia Mascovich (GxG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon