Ikalawang Kabanata
Natawa na lang ako. Talaga bang ganoon ang tanong niya? Imagine. After few encounters ay ngayon pa lang kami nagkakausap pero ganoon pa talaga ang napili niyang topic? All of people here know na magpinsan kami ni Markus! What was he even thinking?
"I'm sorry.. I'm, I know it's ridiculous but-"
"Hindi. Siyempre hindi. Pinsan ko siya." iritable kong sagot. Giving him the benefit of the doubt na baka hindi nga niya alam ang "relasyon' ko sa mga Chavez.
Nakakairita ang tanong niya. Why would he even throw such question? Is it even proper? Nakakairita din naman lalo ang sarili ko. I am fucking nervous for no reason at all! I literally could hear my chest thumping loudly, na para bang anumang oras ay lalabas na iyon mula sa dibdib ko.
"Did he somehow... show some interests on you?"
Was he kidding?
"Of course not!"
"Do you find him attractive?"
I let out a chuckle and shook my head. "Why would you even ask?"
Alam kong bakas sa tono ko ang sarkasmo at pagkairita. Kung tutuusin, maaari ko namang sagutin ang mga tanong niya nang maayos pero hindi ko alam kung bakit mabilis akong mainis pagdating sa kanya.
"I just noticed that you and him are a bit close..." He trailed of again.
Mariin kong ipinikit ang mga mata. Mabilis na nagbago ang aking timpla dahil sa mga mensahe na nais niyang iparating. He seemed to mean no harm pero nakakainit talaga siya ng dugo.
"Were you not informed that he's my cousin? Kaya imposible ang sinasabi mo."
Amusement reflected on his face. "Cousins, right."
Ilang beses pa itong umiling habang nakangisi. Hindi ko alam pero may bahid ng sarkasmo at aliw ang tinig niya kaya mas lalo lang akong naguluhan.
"How about a boyfriend, a suitor maybe?" agresibo niyang tanong.
I was taken aback by his question. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa maaring patunguhan ng pag-uusap namin. I suddenly remembered Mela and Markus shipping me to him. I always assure them though that their ship would surely sink. Markus is like a brother to me and he's overprotective, madami ang nagtangka na manligaw lalo noong nag-aaral ako but their surname seems to shoo them away. Hindi ko nga alam ang dahilan kung bakit halos ipagtulakan niya ako pagdating kay Rios.
He pursed his lips, waiting for my answer. I glanced at him at hindi nakatakas sa akin ang pagdilim ng mukha niya, na para bang hindi matanggap na hindi ako kaagad makasagot. Does my answer really matter to him?
"I don't have one," now I sounded so defensive. Hindi ko alam kung bakit naging masyadong agresibo ang dating ng boses ko.
He seemed to relax a bit kaya mabilis na akong nag-iwas ng tingin. Nanatili lang siyang tahimik habang nagda-drive at nanatili kaming ganoon sa loob ng ilang minuto.
Pinagtagpo ko ang mga palad dahil kanina pa din sila nanlalamig sa nerbiyos. Akala ko ay wala na siyang iba pang tanong pero ganoon na lamang ang gulat ko nang hindi pa rin niya mabitawan ang usapan.
"Kelan ang results ng board exam?" he asked.
Medyo nagulat pa ako na alam niya ang tungkol sa bagay na iyon. Sabagay, napakaliit lamang ng Dinagatan at dahil madalas siya doon ay baka isa iyon sa mga napapag-usapan nila ni Markus.
"Ahh.. next week." Mahinahon ko ng sagot.
"You'll do good..." He boosted.
Medyo nakapa ko ang guilt sa dibdib. He is trying to be nice but I am always rude to him. Hindi iilang beses niyang tinangka akong tulungan sa tuwing may gawain sa hacienda ng mga Chavez pero bago pa man siya makalapit ay nakakalayo na ako. I just can't help but to build an invisible wall between me and him.
YOU ARE READING
Alta Sierra 1: Troilus Sandejas
RomanceTroilus Sandejas Fiorella was always given things that she never wanted. Supposed "whims and wants" that she never asked for. She learned how to be satisfied with not being satisfied. She was treated like a princess but instead of a palace, she fel...