Ikatlong Kabanata
Sa mga susunod na araw ay ganoon na lang ang naging pag-iwas ko kay Rios. Tuluyan ng naghilom ang paa ko pero iniwasan ko pa rin ang pagpunta sa manggahan lalo at alam kong madalas siya doon dahil ang mga Sandico ang nag-aangkat ng mga inaani ng hacienda ng mga Chavez.
It's just an ordinary day pero medyo kabado na ako para sa Lunes, dalawang araw mula ngayon. Lalabas na kasi ang results ng board exam. Hawak ang cellphone ko ay bumaba ako ng hagdan at nadatnan ko si Mama Cynthia na inaayos ang mga bagong pitas na rosas.
I instantly smiled and kissed her cheeks. She's Markus' mom and I also consider her my own mom. Naging napakabuti niya sa akin at naging malapit na din dahil pinangarap daw niyang magkaroon ng anak na babae. Kaso bago pa man mangyari iyon ay namatay sa aksidente ang ama ni Markus kaya naiwan silang dalawa na nangungulila.
"Mama..."
"Hija, bakit hindi ka naglalalabas nitong nakaraan? Dinaramdam mo pa rin ba ang paa mo?"
"Naku hindi na po mama. Wala lang po ako sa mood gumala nitong nakaraan pero okay naman na ang paa ko."
Hinaplos niya lang ang pisngi ko bago kumunot ang noo na parang may naalala.
"Naku nakalimutan ko nga palang maghabilin ng hipon para isahog ni Marta sa sinigang. Nakaaalis na si Betty. May number ka ba niya, anak? Tawagan mo at bilhan ako ng dalawang kilo kamo."
Napangiti ako. Mama Cynthia is just like mom. Napaka-hands on niya sa lahat ng bagay, very different from my abuela who relies on maids para sa mga gawaing bahay.
"Ako na ho mama. Para naman may magawa at makagala ako ngayong araw."
Her forehead creased for a moment before she agreed.
"O sige kung mapilit ka. Pasama ka kay Mang Dante."
"Okay na po ako na lang. Magrerenta na lang ako ng tricycle ma. Kasama kasi ni Markus si Manong dahil kulang sila sa tauhan."
Mabilis akong nagpaalam. Hindi na ako nag-ayos dahil nakabihis naman na ako. I am sporting a gray sweat pants, flops and a white crop top. I just wore some liptint to add some color on my face. I let my hair down and put on some mascara para medyo ma-emphasize naman ang chinky eyes ko. My abuela's mother is Chinese kaya hindi nakakapagtaka na halo-halo ang features ko dahil half-Spanish naman si daddy.
I have light brown hair, vampire skin, pointed cute nose and a small face. Madalas din akong sabihan na mukha akong foreigner na ikinakatawa ko na lang.
Summer is around the corner at ramdam ko na ang pamumula ng balat dahil sa sobrang init. Ramdam ko din ang mainit na hangin at ang pagpitik ng aking balat dahil sa tindi ng sinag ni haring araw.
"Sa palengke ho," sabi ko sa driver. Mabilis niyang pinasibad ang tricycle at wala pang ilang minuto ay nasa palengke na kami. Dumeretso ako sa isang stall ng seafood pero dahil sa hindi ko tinitignan ang aking mga nakakasalubong ay nabunggo ako ng isang lalaki.
"Miss, sorry!" Mabilis nitong inabot ang purse ko at payong na nalaglag habang iniinda ko naman ang sakit ng pagkakabangga niya sa kaliwang balikat ko.
"Sorry ulit, Miss!"
Kinuha ko lang ang inabot niya na purse at payong bago tumango.
"Hindi ba ikaw yung pinsan ni Sir Markus?" ani ng lalaki na kasama niya.
"Oo."
Mabilis ko lamang silang nginitian at hindi pinansin ang bakas ng paghanga sa kanilang mga mata. I appreciate that people admire my features but I always think there's more to life than that. Beauty is always skin dip at ayokong magustuhan lang ako ng mga tao dahil lang sa pisikal ko na anyo. Dahil paano na lang pala kung hindi ako maganda? Would people still be nice at me and approach me?
YOU ARE READING
Alta Sierra 1: Troilus Sandejas
RomanceTroilus Sandejas Fiorella was always given things that she never wanted. Supposed "whims and wants" that she never asked for. She learned how to be satisfied with not being satisfied. She was treated like a princess but instead of a palace, she fel...