SCARS OF THE PAST

2.4K 80 78
                                    

Forget and let go.

Ang daling sabihin, sobrang hirap gawin. Lalo na kung ang kakalimutan at pakakawalan mo ay nag-iwan ng isang malaking sugat at nagmarka na ito sa buong pagkatao mo.

"Yshey... nice name. Sino nagbigay ng pangalan sa'yo?"

Tamad kong tiningnan ko ang babaeng nasa harapan ko. She's currently reading my portfolio at ang pinaka-unang tanong niya talaga sa akin ay kung sino ang nagbigay ng pangalan sa akin! Really? Hindi ba dapat ang itatanong niya sa akin ay kung flexible ba ako at kung kakayanin ko ang pressure sa trabaho? Unbelievable!

"My parents," simpleng sagot ko at bahagyang ngumiti dito. I need this job kaya naman ay dapat ayusin ko ang pagsagot sa kanya. Kung hindi pa rin ako matatanggap dito ay talagang wala na akong kakainin sa susunod na mga araw!

Umabot ng halos isang oras ang interview ko sa huling kompanyang pinuntahan ko ngayong araw. And to my surprise, natanggap ako sa trabaho at magrereport agad ako kinabukasan!

"Be here before eight in the morning, Miss Castillo," imporma sa akin ng babae at may ibinigay sa aking handbook. "Nandiyan lahat ng kailangan mong malaman dito sa opisina. Kung normal na buwan lang ito, magkakaroon ka pa sana ng new employee orientation and trainings. At dahil peak season ngayon, kailangan namin ng mas maraming staff dito sa shop."

"Ayos lang po. Babasahin ko na lang po ito para naman ay hindi na ako mangapa pa sa trabaho."

"Alright! See you tomorrow, Miss Castillo!"

"Thank you. See you."

Nagpaalam na ako at umalis na sa shop kung saan ako nag-apply bilang isa sa salesclerk nila.

Noong makalabas na ako ay marahan akong tumingala at tiningnan ang signage nito.

"Magic Shop," basa ko dito. I smiled. Kahit papano'y gumaan ang pakiramdam ko. May trabaho na ulit ako. I can feed myself again. With my own money, with my own hard work.

Hindi ako sanay magtrabaho para sa sarili ko. I was born with silver plate and spoon. I don't work to have some money. I just spend them endlessly. Not until I lost everything and was left behind. Alone.

Pagkarating ko sa inuupahan kong kuwarto, maingat akong naupo sa higaan ko at kinuha ang handbook na ibinigay sa akin ng staff kanina. Binasa at initindi ko ang mga ito hanggang sa abutin ako ng ilang oras kakabasa nito.

Noong matapos na ako ay mabilis akong nahiga at nagpahinga na. Kailangan kong matulog nang maaga ngayon. Kailangang hindi ako malate sa unang araw ko sa bagong trabaho ko.

Napakunot ang noo ko noong makarinig ako ng ingay sa paligid ko. Mabilis kong inilagay ang dalawang kamay sa tenga at mariing pinikit ang mga mata ko.

Five more minutes, please! Inaantok pa ako!

"Yshey!"

Mom?

Wait! That's my mother's voice!

Mabilis akong napamulat ng mga mata at napabalikwas nang bangon sa kinahihigaan ko. Agad kong tiningnan ang kabuuan ng silid ko at noong wala akong ibang makita ay napahugot na lamang ako ng isang malalim na hininga. Pabagsak akong nahiga muli at ipinikit ang mga mata.

"Baka nananaginip na naman ako," mahinang sambit ko sa sarili. "My mother can't be here. She's gone."

Ilang minuto akong nanatiling nakapikit hanggang sa maalala kong ngayon pala ang unang araw ko sa bagong trabaho ko. Mabilis akong bumangong muli at nagtungo na sa banyo para maligo.

Noong matapos ako sa lahat ng morning routines ko, pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan ko sa salamin. Wearing a fitted dark jeans and a red shirt, tila nararamdaman ko na ang holiday season. Kakasimula pa lang ng ber months sa Pinas at talagang pakiramdam ko ay pasko na! Mukhang magiging abala ako sa bagong trabaho ko!

Magic Shop ( SELF-PUBLISHED - IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon