RESTLESS PAIN (3)

123 16 37
                                    

Maingat ang bawat hakbang ko habang tinatahak ang daang patungo sa exit ng airport. Inayos ko ang pagkakasaklay ng bag ko sa balikat habang hila-hila ang maletang naglalaman ng mga gamit ko.

Noong tuluyang makalabas ako ay agad akong pumara ng taxi at sumakay na roon. Sinabi ko sa driver kung saan ako patungo at tahimik na isinandal ang likuran sa backrest ng upuan.

Minuto lang ay napatingin ako sa cellphone ko noong tumunog ito. Nakangiti kong sinagot ang tawag at binati ang nasa kabilang linya.

"Yes, mommy. Nasa taxi na po ako," imporma ko sa kausap at tumingin sa labas ng sasakyan.

It's been a year since I left this province. At ngayon, pagkatapos ng isang taong paglayo sa lugar kung saan ako nasaktan nang husto, nagbabalik ako. Stronger than before, healed and ready to start a new life.

"Sabi ko namang susunduin ka na namin, Kisha," ani mommy sa kabilang linya. Natawa ako dito.

"Mom, I can handle myself. Ayos lang naman sa aking magtaxi. Just wait for me there, okay?"

Nagpaalam na ako dito at pinatay na ang tawag niya. Ibinalik ko ang cellphone sa bag ko at itinuon na ang buong atensiyon sa mga gusaling nadaraanan namin.

Ang bilis lang talaga nang panahon. Parang kahapon lang ay umalis ako dito. Parang kahapon lang ay nasasaktan pa rin ako sa pagkawala ni James at ng aming anak. At parang kahapon lang, binitawan ko ang kamay ni Jimin at hindi na ito muling hinanap pa.

I bitterly smiled.

Jimin Anderson.

I still remember what happened that night. Alam kong mali ang ginawa ko sa kanya kaya naman bago pa lumalim ang relasyon naming dalawa, itinigil ko na.

I remember how I cried that night, too. I cried because I felt guilty for what I've done. I cried because I hurt him. I hurt the man who acknowledged my restless pain caused by my tragic past. The man who was patiently waiting for me to heal from my wounds.

"Kumusta ka na kaya ngayon?" mahinang tanong ko sa sarili at napabuntong-hininga na lamang. Hindi ko alam kung tama bang hanapin ko pa ito pagkatapos ng mga ginawa ko sa kanya noon. Pinaasa ko ito, ginamit at sa huli, iniwan ko rin naman.

He's a good man and I don't think he deserves someone like me.

Noong makarating na ako sa bahay namin, mabilis akong niyakap ni mommy. Bahagya pa akong natawa dahil sa bigla nitong pag-iyak habang yakap-yakap ako.

"I missed you so much, Kisha," muling sambit nito at binitawan na ako. "How are you, anak? Maayos na ba ang lagay mo? The therapy? Is it worked?"

"Hindi po ako uuwi dito kung hindi pa ako magaling, mommy. The therapy really worked on me."

Ngumiti si mommy sa akin at muling niyakap ako.

"I'm so proud of you, Kisha. Nakaya mo ang lahat ng ito nang mag-isa."

"That was all I needed before, mommy. To heal alone. To heal because I wanted to," matamang sambit ko at niyaya itong kumain na. I need to distract her! Baka kung anu-ano pa ang itanong nito sa akin! Alam kong naghanda ito para sa pagbabalik ko ngayong araw. Mas mabuting mabaling sa iba ang atensiyon nito at pansamantalang makalimutan ang tungkol sa nagin therapy ko sa ibang bansa.

Tahimik akong naupo at pinagmasdan ang nakangiting ina. Abala ito sa paghahain ng mga niluto niya at noong maupo ito sa harapan ko, nagsimula na kaming kumain.

Isa ito sa mga bagay na hinahanap-hanap ko noong nasa states ako. Mag-isa lang kasi ako roon. Hindi ko rin nagawang magluto para sa sarili noong nagthetherapy pa ako. Pagkatapos kasi ng mga session ko, pagod na ang katawan ko at talagang pahinga na lang ang nais kong gawin. Ganoon ang naging buhay ko sa loob ng isang taon.

Magic Shop ( SELF-PUBLISHED - IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon