RESTLESS PAIN

129 16 7
                                    

Maingat akong tumayo sa kamang kinahihigaan ko at naglakad patungo sa banyo. Dahan-dahan ang bawat hakbang hanggang sa makapasok ako roon.

Tahimik akong kumilos at noong natapos ako, natigilan ako noong tumapat ako sa may salamin. Slowly, I raised my right hand and touched my reflection. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nailing na lamang noong makita ang pagbabago sa sarili ko.

I sighed.

The reflection in front of me doesn't even look like the old Kisha. She's different and I don't even know her at all!

"Kisha!"

Natigilan ako noong marinig ang boses ni mommy. She's here already? Ang bilis naman niyang makarating dito.

"I'm here," sambit ko at mabilis na kinalma ang sarili. Humugot ako ng isang malalim na hininga at humakbang palabas ng banyo.

"Are you okay? May masakit ba sa injuries mo?" Nag-aalalang tanong ni mommy noong makita akong lumabas sa banyo at inalalayan akong makabalik sa kama ko. "Stay here. Tatawag ako ng nurse."

Mabilis akong umiling dito at marahang nginitian ito.

"I'm fine, mom. Nagbanyo lang po ako."

"Anak, dapat hinintay mo ako. Alam mo namang hindi pa magaling ang mga sugat mo," maingat na sambit nito at tinulungan akong mahigang muli. "Huwag ka munang makikilos, Kisha. Delikado pa rin ang lagay mo. Baka mabinat ka pa!"

"Mom, I'm fine now. Hindi ba ang sabi ng doktor ay makakalabas na ako? Kaya ko na po."

"Still, kailangan pa rin nating mag-ingat!"

Ngumiti na lamang ako kay mommy at umayos nang pagkakahiga. Naupo naman ito sa bakanteng upuan sa tabi ko at marahan niyang hinaplos ang buhok.

"We need to be extra careful, Kisha. Naging malala ang aksidenteng nangyari sa'yo kaya naman ay kahit anong mangyari, kailangan maging maayos ang kalagayan mo, anak," mahinang sambit nito at hinaplos naman ngayon ang pisngi ko. "Magpapagaling ka. Para sa amin, para kay James at para sa buhay na nawala sa'yo."

James.

Hindi ko alam na ang pangalan ng taong pinakamamahal ko, ngayon ay nagbibigay sa akin nang matinding sakit. Kung dati ay puro pagmamahal, ngayon ay puro sakit na ang laman ng puso kapag naririnig ito.

Sakit at pangungulila. Ito ang natira sa akin.

"Kisha, anak, stop crying." Natigilan ako noong marinig iyon mula kay mommy. Crying? Ako? "Calm down, please."

Simula noong magising ako mula sa ilang araw na walang malay, at nalamang hindi nakaligtas sa aksidente ang fiance ko na si James, tila gumuho na ang mundo ko. Idagdag pa rito na namatay rin ang dinadala kong bata, pakiramdam ko ay wala nang natira sa akin.

They left me. Alone. And I don't even know the reason why I'm here, alive!

"Goodmorning, Miss Kisha!" Magiliw na bati sa akin ng nurse na nagbabantay sa akin. Araw-araw itong pumunta sa akin para tingnan ang lagay. Nginitan niya ako at tinanong kung maayos ba ang naging pagtulog ko.

"Ayos naman," tipid na sagot ko at muling tiningnan ang puting kisame. "Napanaginipan ko na naman sila."

"Miss Kisha," mahinang sambit ni Nurse Sharlin at nanatiling nakatayo sa gilid ng kama ko. "Alam kong hindi madali ang lahat ng ito para sa'yo, pero kailangan mong maging malakas. You're here, alive. Kailangan mong mabuhay para sa mga taong nagmamahal sa'yo."

"But I'm dying," wika ko at binalingan ito sa tabi. "Hindi ko nga alam kung bakit nabuhay pa ako. Dapat isinama na nila ako. Dapat namatay na rin ako."

Magic Shop ( SELF-PUBLISHED - IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon