COMFORTING TEARS

126 18 15
                                    

Bata pa lang ako ay alam ko nang swerte talaga ako.

I have an awesome family. Happily married ang parents ko at may kapatid akong supportive sa lahat ng bagay na nais ko. Matalino, sporty at magaling sa larangan ng musika. That's me. Pero, kahit gusto ko mang sabihing nasa akin na ang lahat, hindi ko ito magawa. Cause the truth is, I feel empty. Kahit gaano karami ang naging achievements ko sa buhay, kulang pa rin ito. Kulang na kulang.

Tama nga naman talagang walang perpekto sa mundo. Na kahit anong gawin mo, na kahit ibigay mo na ang best, kung hindi para sa'yo, mabibigo at masasaktan ka lang nag paulit-ulit hanggang sa maubos ka.

"Going somewhere?" Natigilan ako sa paghakbang noong marinig ang boses ng kapatid ko. Binalingan ko ito at namataang prenteng itong nakaupo sa mahaba naming sofa sa salas. Nasa tabi nito ang ilang medical books at nakabukas naman ang laptop nito sa ibabaw ng mesa.

"May usapan kami ngayon ni Isha, Kuya," sagot ko at inayos ang pagkakalagay ng slig bag sa balikat ko. "I'll be late. Tatawagan ko na rin sila mommy tungkol dito."

"Be careful, Dee. No boys," aniya at nginisihan ako.

"I can have all the boys I want, Kuya Jimin. I'm single!"

"I thought you're reserved?" Kunot-noong tanong niya sa akin.

"Reserved? Kuya, I'm not sixteen anymore. Nakalimutan ko na ang bagay na iyan," sambit ko at ngumiwi dito. "Aalis na ako."

"May praktis mamaya ang banda," aniya na siyang nagpatigil sa akin. "Ibinigay ko sa kanila ang bagong kantang ginawa mo. They liked it. Baka gusto mong manuod."

"May lakad nga ako, Kuya Jimin."

"Baka lang naman gusto mo, 'di ba? After your schedule."

"Busy ako," sambit ko at tuluyan nang umalis. Hindi ko na muling binalingan ang kapatid at dere-deretso nang lumabas sa bahay.

Agad akong nagtungo sa sasakyan ko at mabilis na sumakay dito. Pagkaupo ko sa may driver seat, agad kong isinuot ang sunglasses ko at binuhay na ang makina. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at umalis na sa bahay.

Band practice? I'm so done with that, with them. Pagod na ako sa paulit-ulit na nangyayari. Pagod na akong umasa at masaktan dahil hindi ako makuntento sa kung anong mayroon ako. I'm not a kid anymore. I should stop doing things that will eventually hurt me. I just need to accept it and just freaking move on from it.

Late akong nakarating sa restaurant kung saan kami magkikita ni Isha. Nakataas ang isang kilay nito noong naupo ako sa bakanteng upuang nasa harapan niya. Nginitian ko lang ito at kinuha na ang menu book na nakapatong sa ibabaw ng mesa.

"Traffic?" Mataray na tanong ni Isha sa akin na siyang ikinatango ko.

"Fifteen minutes late lang naman, Isha. Stop bitching me. Wala ako sa mood," ani ko habang nasa menu book ang mga mata ko.

"Wala sa mood?" Tanong nito at narinig ko ang marahan nitong pagtapik sa mesa. "Hulaan ko, tungkol na naman ito kay V, noh? Nako, Dee! Akala ko ba moving on ka na?"

"May sinabi ba akong tungkol sa kanya?" Tanong ko dito at ibinaba ang menu book na hawak. "At isa pa, bakit naman ako magmomove on sa lalaking iyon? Naging kami ba?"

"Hindi nga naging kayo pero head over heels ka naman sa kanya," natatawang sambit nito na siyang nagpairap sa akin.

"I'm done wasting my time on him, Isha. Kung ayaw niya sa akin, then fine, madali akong kausap. Ilang taon din ang sinayang ko sa paghahabol sa taong hindi naman makita ang worth ko."

"So, siya nga ang rason kung bakit wala ka sa mood?"

"No," mabilis na sagot ko at nag-iwas nang tingin dito. "I wanted to quit from the band," sambit ko pa na siyang nagpatigil sa kaibigan ko. "Nagiging sikat na sila ngayon. Ayaw kong nang sakit sa ulo kaya mas mabuting magresign na ako bilang Band Manager nila."

Magic Shop ( SELF-PUBLISHED - IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon