LIGHT AND MIRACLES (2)

222 22 11
                                    

Muli akong napahawak sa ulo ko noong makaramdam ako nang pagkirot roon. Ipinilig ko ito pakanan at marahang minasahe ito.

"Avon, ayos ka lang?" Tanong ni Mia noong maabutan akong nakaupo sa gilid. Mabilis akong tumango dito at tumayo na. Bahagya pa akong nahilo kaya mabilis akong napahawak sa pader para doon kumuha ng suporta.

"Hoy, anong nangyayari sa'yo? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong muli nito sa akin at inalalayan na ako.

"Kulang lang ako sa tulog, Mia. Nag-aral ako kagabi," wika ko at humugot ng isang malalim na hininga.

"Huwag mong puwersahin ang katawan mo, Avon. Dapat ay nagpapahinga ka rin. Perfect ka nga sa exam mo pero bugbog naman ang katawan mo dahil sa pagod at puyat."

Tipid akong ngumiti kay Mia at sinabahing muli na ayos lang talaga ako. Tumango lang ito sa akin at sinabihang magpahinga muna kahit ilang minuto lang sa locker room. Nagpasalamat ako dito at sinunod ang sinabi nito.

Tahimik akong naupo sa sahig at isinubsob ang mukha sa may tuhod ko.

Anong oras na ba ako nakatulog kanina? One in the morning? Two? Hindi ko na alam! Hindi ko kasi namalayan ang oras kagabi. I was busy reading my modules. And, I was busy contacting Jin last night! Ang magaling, kung kailan ko siya kailangan, tsaka naman ito hindi mahagilap.

Napaisip tuloy ako kung nasaan na ito. Posibleng umalis na ito at bumalik na sa Manila. At ang pagyaya nito sa akin kagabi ay ang huling pagkikita namin.

Napangiwi ako at napaayos nang pagkakaupo. Muli kong hinilot ang sintido ko at kinalma ang sarili ko. I need to stop thinking about him. Wala akong mapapala kakaisip sa lalaking iyon. Sakit sa ulo lang naman ang nilalang na iyon!

Noong naging maayos na ang pakiramdam ko, lumabas na muli ako sa locker room at pinagpatuloy ang naiwang trabaho. I was busy scanning all the newly arrived items when I heard someone's voice behind me.

"Feeling better now?"

I froze. Napaawang ang labi ko at mabilis na binalingan ito.

"Jin?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito at pinagmasdan ang kabuuan nito.

"Done scanning my perfect face?" he joked then wink at me.

Napaarko ang isang kilay ko sa sinabi nito at itinutok sa mukha niya ang hawak na scanner ng barcodes.

"Yes, Jin, and it says that your face is not that perfect at all," bulalas ko sabay irap dito. Malakas na tumawa si Jin at bahagyang hinampas pa ang kahong malapit sa kinatatayuan nito. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ang namumulang mukha nito.

Buhay pa kaya ito hanggang sa matapos ang pagtawa nito? It looks like he's out of breath from laughing so hard! Ang pula nang mukha nito kakatawa!

"Stop laughing, Jin. Mukha ka nang kamatis na malapit nang sumabog," naiiling na sambit ko at pinagpatuloy ang pagsscan ng mga items na nalatag sa mesa.

"Sometimes... your humor just really got me, Avon."

Natigilan ako sa ginagawa at muling tiningnan si Jin. Hindi na ito tumatawa ngayon ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti nito sa labi. Kita kong humugot muna ito nang isang malalim na hininga bago may itinaas na paper bag.

"Kanina pa ako sa labas at hinihintay kang maglunch. Ang sabi ay abala ka na naman sa mga stocks niyo," aniya at inilapag ang hawak sa mesa. "Nakausap ko rin si Mia at ang sabi hindi raw maganda ang pakiramdam mo. You overwork again, Avon," matamang sambit niya. Wala nang bahid ng tuwa ang mukha nito.

"Dami mong sinabi," wala sa sariling sambit ko at nag-iwas nang tingin dito. "Kumain ka na lang sa labas, Jin. Marami pa akong tatapusin dito."

"No," matamang sambit niya na siyang ikinasimangot ko.

Magic Shop ( SELF-PUBLISHED - IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon