Prologue

9 1 1
                                    

"After 5 years, nakalanghap rin ako ng fresh air. Am I right, Lola Sola?"


I'm talking to my grandma while I am lying on the bamboo couch dahil kakarating ko lang from Manila. Finally, nandito na ako sa probinsya namin, sa Negros Occidental. In fairness with this Barangay La Granja ha, there are no changes talaga. May mga bagong buildings lang pero the sugarcanes, tall grasses and huge trees are still here. I remember lot of things.


"Oo naman sus, puro makakapal at maiitim na usok lang naman ang nilalanghap mo doon. Dito sobrang presko at maaliwalas. Namiss mo'to no?" Lola Sola replied.


"Of course, and most definitely, I miss you Lola!" tumalon mula sa bamboo couch para mayakap siya "Hmmmm Lola"


"Aray Fritzy, hindi ako makahinga. I miss you din apo" sabay halik sa noo ko na may dalang malalim na paghinga.


Pinigilan kong umiyak sa pagkamiss kaya bumitaw ako at kinuha ang aking maleta. Lumabas naman si Lola ng bahay dahil may dumaan daw na nagbebenta ng taho. Pumasok ako sa kwarto ko and there's nothing nagbago in this room. Still, yung mga dinikit-dikit kong mga pictures ko with Mom and Dad ay nandoon pa rin. It also includes yung mga pictures ng BTS na medyo nagfe-fade na. Hindi siguro ginalaw ni Lola yung kwarto ko pero nililinis niya lang.


I jump to my bed and lay there again. This is what you really call home, sobrang nakakapagpahinga feels. Habang tinitignan ang kisame ay inalala ko the things I've done here 5 years ago. Hay. Kamusta na kaya si Aling Wina? Buhay pa ba sya? Eh yung mga kaibigan ko dito? Ano na kaya hitsura nila ngayon?


Si Carlos kaya? Kamusta na?


"Fritzy, kumain muna tayo ng taho" kumatok siya sa kwarto ko at agad naman akong bumangon at lumabas.


"Thank you, Lola" umupo kaming dalawa sa dining area "Lola, kamusta na pala si Carlos?"


"Ba't mo naman natanong?" she replied.


"Eh syempre, super close kami eh tsaka namiss ko na rin sya." pero nakita ko sa mukha ni Lola ang pagiging malungkot.


"Pwede mo siyang bisitahin, doon pa rin lang naman sila nakatira" she said with sadness.


"Lola, okay ka lang ba" tanong ko. She sat properly and hold my hand.


"Alam ko namang nagmamahalan kayo eh at mahal mo siya, ayaw ko lang na masaktan ka"


My tears fell without noticing it. I don't know why pero parang it's a sort of bad news. Carlos and I promised that we will wait for each other because we know that... we love each other. I just have this nakakalokang hunch about it.


"Sige Lola, bibisitahin ko lang siya mamaya." and I wiped my tears.


Pumunta ako ng kwarto para magbihis ng damit dahil pupunta ako sa kanila ni Carlos. I just wear a yellow off shoulder shirt and long palda. Ang damit na'to ay napakapresko at kung sa Manila kasi, kapag nagsuot ka ng ganito ay jologs ka, especially for my friends.


Carlos and I lost connection after I returned to Manila. Wala akong any updates sa kanya even sa mga kaibigan ko, I changed my number and social media accounts din kase for some reasons kaya wala na. I can't imagine kung ano ang mararamdam ko at ang mararamdam niya kapag magkita kami. Naglalakad ako papasok ng kanilang kanto kung saan nandoon rin ang bahay nila.


I saw him wearing dress shirt with its sleeves rolled up in his elbows and maong pants. Nakapamulsa lang siya while looking at the grasses dancing with the air. Grabe ang kabog ng aking puso sa pagkakita ko sa kanya. Sadyang hindi nawala talaga.


"Carlos!" I shouted at him.


He faced me with desires in his eyes but somehow his face was filled with sadness. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero nagsisimula nang bumuhos ang mga luha ko. Gusto ko siyang lapitan, yakapin at sabihin sa kanya na sobrang miss na miss ko na siya.


Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at siya rin ay unti-unting lumalapit papunta sa akin. Mas lalong naging malungkot ang mukha niya at nagsimula na ring lumuha ang kanyang mga mata. It feels like there are gigantic rocks stopping my feet that makes my walk towards him heavy. We are 1 meter apart to each other but now, his face shifted to a happy one.


"Daddy!"


A girl shouted at us and he is looking straight to Carlos. I assume this is Carlos' daughter. Agad naman tumakbo yung bata papunta kay Carlos. Tinignan niya ako saglit bago niya ito kinandong. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko.


"So, you already have a daughter?" my voice broke asking him.


He nodded.


My tears feel again not because of seeing him again, but because I am angry at him. Akala ko ba antayan? Ba't hindi mo ako hinintay?


"Daddy, why is she crying?" her daughter asked having concern for me.


"No sweetheart, I'm just okay. I have to go." I said but Carlos hold my hand "Let me go, at huwag mo kong sundan you... Ugh!"


Kumaripas ako ng takbo pabalik ng bahay. Sobrang sakit. Sakit lang yung nararamdaman ko, ng puso ko. Hindi na ako lumingon sa pinanggalingan ko at hindi ako tumigil sa pagtakbo at pag-iyak hanggang makarating ng bahay. Pagpasok ng gate at ng pintuan ay agad akong dumiretso sa kwarto at hindi pinansin si Lola Sola.


Sinarado ko ang kwarto ng napakalakas, sa lakas ng galit ko sa kay Carlos, sa sarili ko at sa mundo. Patuloy lang ang pag-iyak ko na nasa puntong basang-basa ang aking unan. Ano ba naman ito? Ganito na ba talaga ako ka misfortunate? Grabe ang unfair ng world. Hindi mo ako hinintay Carlos!


Nagising akong madilim na ang paligid. Hindi ko namalayang nakatulog na ako ng dahil sa pagod at sa lahat ng nangyari. My body feel sick and my eyes are just bulging. Huminga ako ng malalim at iiyak na sana kaso pinigilan ko. Tama na ang katangahan, Fritzy.


I heard my phone rang, maybe a message. Tumayo ako at kinuha yung sling bag para kunin yung phone ko. Alas 8 na pala. Sa pagtingin ko sa lockscreen ay may message nga ako kaya binuksan ko ito. Bigla ko itong nabinatawan dahil sa nakita ko.


1 new Message

Unknown Number:

Si Carlos to. I'm sorry, pwede ba tayong mag-usap?



^-^___^-^___ ^-^___^-^___^-^___^-^___^-^

Grasping GrassesWhere stories live. Discover now