Steven

56 1 0
                                    

Steven's POV

7:30 na ng umaga pero heto ako at nag-aabang pa sa labas ng bahay nila Tin. Mahuhuli na kami sa klase.

Ako nga pala si Steven Ortega. Fourth year high school na kami ngayon ni Tin and since elementary ay mag-classmates na rin kami. Magkababata at best friends at ang tawagan naming ay bispring, 'yon kami ni Tin

Tin! Matagal ka pa ba? Male-late na tayo'' sigaw ko. Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa labas.

"Heto na oh sandali na lang bispriiiing" sigaw din ni Tin

Kahit kailan talaga ang tagal mag-ayos ng mga babae lalo na etong bestfriend ko. Sa isip niya

Sabay kaming pumapasok at umuuwi ni Tin dahil magkalapit lang din naman ang mga bahay namin. Sinusundo ko siya gamit ang motor na regalo sakin ng daddy ko.

Palapit na siya sakin at tinitigan ko lang siya. Habang busy ako sa pagtitig sa kanya ay nabigla ako nang magsalita siya at tuluyan ng nakalapit sa akin.

"Bispring! Okay ka lang ba? Natulala ka ata sa kagandahan ko?" sabay tawa niya ng malakas.

"Maganda? Sinong maganda? Nasaan?" at lumingon lingon ako sa paligid niya.

"Aminin mo na lang kasing nagagandahan ka sa akin" sabi niya. At nang mapansin kong nakatingin siya sakin sa side mirror ay kinindatan ko siya at nagpa cute.

"Yung daan nga ang tignan mo mamaya ma-

disgrasya pa tayo, sayang naman ang

kagandahan ko"

At nagtawanan na lang kaming dalawa. Noon pa man ay ganito na kami masaya lang at puno ng kalokohan. Masaya kami kapag kasama namin ang isat-isa. Masaya ako kapag kasama ko ang Best friend ko.

--

Next Chapter will be Justine's POV. :))))

Hanging on a StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon