Chapter 1

36 0 1
                                    

Sa school.

Pagkababa pa lang naming dalawa ay tumakbo na kami papunta sa classroom namin. Pagkaupo ko pa lang sa upuan ko ay dinaldal na ako ng dalawa kong kaibigan na si Ashley at Nathan. Mula elementary ay naging kaklase ko na rin silang dalawa. Sila ang kasa-kasama ko kapag hindi ko kasama si Steven. Si Nathan pala ay bakla at si Ashley ay tunay na babae.

"Tin, aminin mo na kasing kayo na ni Steven" pabulong na sabi sakin ni Ashley. Katabi ko silang dalawa, sa kanan ni Nathan at sa kaliwa naman si Ashley. Si Steven naman ay sa Harapan ko.

"Oo nga girl, aminin mo na kasi" pamimilit naman ni Nathan.

"Hindi nga kami eh, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na "walang kami"? sagot ko sa dalawa.

"Taraaaay! Hugot girl ah" kantyaw ng dalawa sakin.

"Pero parang kayo talaga eh" pabulong na sabi sakin ni Ashley.

Sasagot ulit sana ako pero biglang sumingit si Steven.

"Matagal ng kami ni Bispring ayaw lang niyang aminin. Heartthrob kasi ako, alam niyo naman na baka kuyugin siya ng mga girls na may gusto sakin dito. Akin lang yang si Bispring." Sabi ni Steven, dahilan para mainis ako. Baka kasi maniwala tong dalawang kaibigan ko sa sinabi niya.

Heartthrob nga naman ang bispring ko. Gwapo siya at maraming nagkakagusto sa kanya. Matalino rin si Steven, matangkad at magaling na basketball player. Highschool pa lang ay varsity na siya ng school. Kung titignan mo rin siya ay parang hindi siya High schooler dahil binatang-binata ito kumpara sa ibang ka-batch namin. Ayaw niya na may masabing hindi maganda sa kanya ang ibang tao kaya gusto niya maayos siya lagi.

"Hoy girl kayo na pala eh. Deny deny ka pa." Ngiting asong sabi ni Ashley.

"Mga siraulo kayo! Wag nga kayong maniwala kay Steven! Alam niyo namang puro kalokohan lang yan eh" sabay tingin ng masama kay Steven at nagsitawanan ang tatlo.

"Tigilan niyo nga ako. Akala ko kaibigan ko kayo."

"Maniwala ka na kasing gwapo ako Bispring" at nag-backhug pa talaga siya.

"Ewan ko sayo!" sagot ko at kumalas sa yakap niya. Hindi pa ata nakuntento sa pang-aasar kaya hinila niya ang kamay ko at kinagat ako sa bandang braso ko.

"Steveeeen!" sigaw ko tsaka ko siya sinabunutan. Wala na akong pakialam kung magulo ang buhok niya. Ang sakit ng ginawa niya. Nakakainis talaga!

"Nakaka-inis ka talaga" Umayos na ako ng upo at hindi ko na pinansin pa ang tatlo. Tuloy pa rin sila sa pagtawa.

Okay lang naman sakin na inisin niya ako, kahit pa nga araw-araw eh. Pakiramdam ko hindi kumpleto ang araw ko kung hindi niya ako iniinis. Parte na yun ng araw-araw naming magkasama ni Steven.

--

Short UD muna :D

Hanging on a StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon