Sa wakas at break na. Kasabay kong pumunta sa canteen sina Ashley at Nathan. Si Steven naman ay naiwan dahil inaayos pa nito ang kanyang mga gamit.
“Ako na lang pala bibili ng pagkain natin. Maiwan na kayo dito sa pwesto.” Sabi ko sa kanilang dalawa.
“Sige Girl. Libre mo na rin. Labyu” Patawang sagot naman ni Nathan.
Heto na naman ang tinda dito sa canteen. *Sigh* may bago ba? Parang sa’min ni Steven, walang improvements. At hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na gagawin ko talaga yun para lang maging sila. Paano naman daw ako? Ang drama ko.
Pagkakuha ko ng mga pagkain namin, kasama na yung pagkain ni Steven ay dumiretso na ako sa table namin at napansin kong parang ang tahimik naman ata netong dalawa.
”Hoy! Anmeron? Tahimik niyo ah.” Sabi ko pagkalapag ko ng tray sa table namin. Hindi man lang ako kinibo ng dalawang toh. Hindi ba talaga ako kapansin-pansin? Pati ba naman mga kaibigan ko. Asaaar.
Na-curious ako kaya naman tinignan ko rin yung direksyon kung saan sila nakatingin.
“Magka-usap sina Zoey at Steven oh. Masakit ba?” Sabi ni Ashley sabay lingon sakin at ako naman ay nakatitig lang sa kanilang dalawa.
“At kailan pa sila naging close? Sakit sa mata girl oh.” Puna naman ni Nathan. Pagkasabi nun ni Nathan ay yumuko na lang ako at kumain. Mas gusto ko pang kumain kaysa panoorin silang dalawa.
“Hi Guys!” Si steven. Halata mo sa boses niyang hyper at masaya siya. Buti pa siya.
“Ang tagal mo namang inayos ang gamit mo Bispring.” Kunwari hindi ko alam. Kunwari wala akong nakita. Kunwari okay lang ako.
“Ah- kasi nakasalubong ko si Zoey kanina kaya sabay kaming pumunta dito sa canteen. At binalik na rin niya yung hiniram niyang libro.” Kuwento ni Steven. Nag-nod na lang ako.
“Ang saya mo naman ata masyado. Akala mo naman kung sinagot ka na niya.” Pagtataray ni Nathan.
“Hindi pa nga ako nanliligaw eh, pero magiging kami din. Diba bispring?” Napatingin ako kay Steven sa sinabi niya.
“Ah- Eh- oo naman.” Manliligaw nga pala siya kay Zoey at tutulungan ko siya sa balak niya. Poor me. Poor Justine.
Music pala ang klase namin ngayon. May program ang school next month. Kaya siguro pinakansela niya ang quiz namin dahil sa announcement.
“Sa Monday next next week ay may program ang school natin. Bawat taon ay may representative kaya sa biyernes ay magkakaroon tayo ng elimination para mapili ang magpeperform. “
“So class, sino sa inyo ang sasali?” Dagdag pa ni Mrs.Reyes.
“Ma’am! Ako po.” Nagulat ako sa sigaw ni Ashley na nasa tabi ko ang naman. Kung hindi niyo pa alam eh magaling pong kumanta si Ashley.
“Waaaaag!” Sigaw ng buong klase. Natawa na lang ako sa reaksyon ng mga kaklase ko, pati si Ma’am ay nakita kong nagulat din. Nakalimutan ko pa lang sabihin na magkasing-galing sila ni Anne Curtis.
“Grabe kayo. Ma’am! Si Justine na lang daw po. Magaling po siyang kumanta. Diba Steven?”
“Opo Ma’am! Si bispring ko na lang. Diba classmates?” Pag sang-ayon naman ni Steven.
“Okay. Galingan mo sa elimination Justine. Btw, may dagdag puntos ka naman.” Pampalubag loob ni Ma'am.
Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko ba o hindi. Nakaka-asar talaga si Steven sumabay pa si Ashley. Hindi man lang akong tinulungan ni Nathan. Asaaaar! Nahihiya akong kumanta. Bahala na may araw pa para mag-practice.
--