Chapter 2

49 0 0
                                    

Sa wakas dumating na ang boring naming teacher. Si Ms.Santos ang teacher namin sa Filipino kaya naman boring talaga. Gaya ng dati wala sa isip ko ang subject namin ngayon kaya naman hindi ko maiwasang mag daydreaming. Lagi kong ginagawa to basta boring ang teacher, ibig sabihin din ay laging nasa isip ko si Steven. 

 

Noon pa man ay gusto ko na ang Bispring ko. Gusto kong siya ang maging First and Last ko pero parang ayaw ng tadhana sa aming dalawa, siguro nga hanggang BestFriends lang talaga kami. NBSB ako dahil sa kanya, dahil nga siya lang ang gusto ko. Siya lang talaga! Pero bakit hindi niya ako napapansin? Maganda naman ako at matalino ah. Hanggang Best friend na lang ba ako sa kanya? Hindi ba pwedeng higit pa dun?

 

“Miss Garcia!” nagising ako dahil sa sigaw na yun at dun ko lang napansin na nakatingin na pala lahat sa akin.

 

“Yes Ma’am?” halos pabulong kong sagot sa teacher ko. Bumilis tuloy heart beat ko. Kinakabahan ako, wala pa naman akong alam sa topic namin ngayon. Hindi ako nakinig dahil obviously busy ako sa pag-iisip kay Steven.

 

 

“Pakibahagi naman sa buong klase kung ano ang iniisip mo ngayon.”

 

Hala. Lagot na. Anong sasabihin ko? Hindi ko naman pwedeng sabihin na in love ako sa best friend ko. Naloko na. Kailangan kong mag-isip ng sasabihin.

 

“ah-eh-h... Ma’am... iniisip ko po kasi kung... a-anong pagkain mamaya sa canteen... kung masarap po ba. Hindi po kasi ako nag-breakfast.” Utal kong sagot sa kanya at narinig ko na natawa si Nathan at Ashley sa naging sagot ko. Pati si Steven ay nakita kong ngumisi.

 

“Hindi oras ng pag-iisip ng pagkain ngayon Ms.Garcia lalo na sa klase ko. Bilang parusa tumayo ka hanggang matapos ang klase.

 

At heto nga, nakatayo ako. Sana’y na ako sa ganito, yung napapatayo. Hindi rin ako nahihiya dahil normal lang toh at hindi lang naman ako ang nakakaranas ng ganito sa buong klase. Pati na rin ang dalawa kong kaibigan at si Bispring. Buti na lang malapit na kaming ma-dismiss.

 

Natapos din ang klase. Nangalay ang mga paa ko sa pagtayo ah.

 

“Umupo nga muna tayo saglit, nangalay ako eh.”

 

“Saglit ka lang naman tumayo ah. Bakit ako, hindi naman nangangalay pag pinapatayo ako sa klase.”

 

“Hindi mo yun mararamdaman kasi manhid ka!” biro ko sa kanya pero deep inside ay may meaning yun.

 

“Grabe ka naman bispring.”  Sabi niya. Habang naglalakad kami ni Steven papunta sa next class namin ay nakasalubong namin si ZOEY. Si Zoey ay bagong crush ni Steven at gusto niya itong ligawan. Transferee student siya at bagong lipat lang din sila sa subdivision kung saan nandoon din ang mga bahay namin ni Steven. Magkapitbahay ang mga bahay namin ni Zoey pero hindi kami close, may something kasi sa kanya na hindi ko gusto.

Hanging on a StringTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon