CHAPTER ONE
"Ano ka ba, Namtan. Kaya mo yan!"
I sighed as I started to cheer myself up. I couldn't do it. Kahit anong pagpapalubag pa ang gawin ko ay walang nangyayari.
"Ano ba, wag ka sabing kabahan eh!" I pulled the hem of my uniform.
Mabilis na napatingin sa akin ang mga napapadaang estudyante. I immediately covered my face with my hair before walking away.
Gosh, nakakahiya.
I stopped walking when my phone suddenly vibrated in my pocket. Mabilis kong kinuha yun at agad na sinagot nang makitang si Mama ang tumatawag.
"Po, Mama?"
"Good luck sa first day mo, nak!" she answered.
A smile immediately formed in my lips. Si Mama talaga oh.
"Opo, Ma. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses na yan." biro ko.
She's been cheering me up magmula pa kahapon. I really appreciate it pero mas lalo lang akong kinakabahan. I never really wanted someone to cheer me up, though.
Mom hanged up as soon as I decided to ask someone. An expensive looking girl stopped in front of me. May hinahalungkat sya sa bag niya.
"Uhm...hi? Pwede ba magtanong?" I approached.
Mabilis na umangat ang tingin niya sa akin at nagtaas ng kilay. I bit my lower lip as she looked at me from head to toe.
"Nagtatanong ka na diba?" mataray na sagot niya.
Napalunok naman ako sa inasal niya. Maybe I asked the wrong person, then?
"Sorry." bulong ko.
Umirap naman siya at napailing.
"Pwede mo ba ituro sa akin kung saan ang Classroom 1?" tanong ko ulit.
Her eyes widened and looked at me again from head to toe. Ano bang problema nito?
"Eww." tanging sabi niya bago ako nilagpasan. She even bumped my shoulders.
Nagtatakang napalingon ako sa direksyon nya. What the hell?
"Follow me." a random voice came from behind.
Lilingunin ko na sana pero nauna na siyang maglakad sa akin. Sino naman to?
I couldn't see his front profile but his back looks good.
I decided to follow him. Wala naman siyang imik.
"Classroom 1 ka din ba?" tanong ko.
He only nodded. Itinigil ko na ang pagtatanong at napanganga nalang nang marating namin ang isang kwarto.
It's the only classroom in the building. Ano ba to?
The room was located in the first floor at yung mga sumunod na tatlo pang palapag ay wala ng classroom. Instead, they looked like some entertainment or empty rooms.
Weird.
"Papasok ka ba?" tanong niya.
Inip na naghihintay sya sa may pinto habang nakatingin sa akin. I was right, he's good-looking.
We entered the room at mas lalo pa akong napanganga sa nadatnan ko. Kung maganda na sa labas, mas maganda sa loob.
Is this even a normal room?
The room has a big television located at the top of the board. Tiles ang buong sahig at higit sa lahat, air-conditioned.
Pero mas nagulat ako sa sunod kong nakita. There's a couple who were making out at the corner!
Wala manlang pumapansin kahit nakikita naman nila. All of them just continued their own business.
I started to be confused. Why am I here?
Ah, because of my grades. But....eto na ba talaga yun? Tama ba ako ng sinundan?
"She's the loser I'm talking about."
Nadako ang tingin ko gilid nang may marinig akong bumulong. It was her! Yung babae kanina.
Hindi ko na lamang sya pinansin at umupo sa pinakalikurang upuan.
Nasagot lang ang tanong ko nang makita ko ang malaking sulat na nakalagay sa gilid ng kwarto.
'CLASSROOM 1'
YOU ARE READING
CLASSROOM ONE (COMPLETED)
Mystery / ThrillerNamtan Tipnaree, a simple high school girl entered a prestigious school wherein the star section gets all the privilege. it was normal at first, but then something happened. Will she able to discover the classroom one's secret? Or will only be their...