CHAPTER 7

40 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

Maingay sa loob ng classroom. Kagaya ng dati, pinangungunahan na naman nila. I don't understand. Jan Hae was their friend, right?

They were all acting like nothing happened. Like no one died.

I narrowed my eyes at Gunsmile. He's leaning on his seat while smirking at his phone.

Is it possible na siya ang pumatay?

Kung hindi siya, sino?

I observed everyone in the room. They really don't care, aren't they?

Ako lang ata ang namomroblema, ako lang ang nakikisimpatya.

My eyes landed at Sing who's looking down at his table. Mamula-mula ang mga mata niya at parang kanina pa tulala.

I wondered why he did that.

I can't take this anymore. Sa sobrang inis ay napatayo na ako.

Lumangitngit ang upuan at lumikha ng malakas na tunog.

All eyes were on me now. Agad akong nagsisi.

"Why are you all so calm? Dalawang kaklase na natin ang namamatay, hindi ba kayo nababahala?" galit na sigaw ko. Wala ng atrasan to, Namtan.

Buong akala ko ay walang sasagot pero napabuntong-hininga nalang ako nang sumagot si Tay.

"What do you want us to do? Cry?" pabalang na tanong niya.

All of them laughed as Off and Win faked a cry. Sinundan sila ng iba kaya mas lalo akong nainis.

"Jan Hae's your friend!"

"Is she?" kunwaring gulat na tanong ni Mild.

"Bakit kayo ganyan? If you're not her friends, I would really think that you killed them." I shot back.

Then, the whole class fell silent. Mapang-asar ang tingin ni Bright habang si Win naman ay natatawa sa gilid. Tay shook his head before he stood up.

Mabilis akong napaatras nang lumakad sya papunta sa akin. He held my chin tightly dahilan para magpumiglas ako.

"Really? Do you really think we killed them?" bulong niya sa akin.

Mangiyak-ngiyak na tumingin ako sa kanya.

"Baby, think twice." bulong niya pa ulit bago ako marahas na binitawan.

"Shut it, Tay!" sigaw ni Newwie mula sa gilid.

Nakatayo na ito ngayon at galit na nakatingin sa amin.

Nagtiim-bagang si Tay at umatras.

"Wag kang makialam, New." pakantang singit ni Off.

"Shut up, dickhead." asik ng isa.

Mabilis namang napatayo si Off at sumugod kay Newwie.

Napasigaw ako nang tumama ang suntok nito sa mukha. Ganoon din ang ginawa ni New sa kanya hanggang sa nauwi na sa walang tigil na pagpapalitan ng suntok. Walang umaawat.

I looked at Tay who's now looking uncomfortable while watching the two. It's the first time na makitaan ko siya ng ganto.

New dropped on the floor. Off was about to punch him again nang salagin ni Tay ang kamao nito.

"Stop fighting with him. Wala kang mapapala." blankong sabi niya bago marahas na binitawan ang kamao ni Off.

Off wiped the blood at the side of his lips before smirking at Tay. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa bago padabog na bumalik sa upuan.

CLASSROOM ONE (COMPLETED)Where stories live. Discover now