This is a work of fiction and all names places, events, and incidents mentioned in this story are wholly imaginary or used in fictitious manner. I hope you respect my work and not distribute, nor plagiarize in any shape or form. Enjoy reading!
*
I am on a set for my upcoming movie and all of a sudden my phone rings while I am resting inside my designated tent.
I immediately look for my phone and saw an unregistered number calling me for the nth time today.
“O ano na namang mukha ‘yan sis? Urat na urat ka na naman ba sa tumatawag sa’yo?”, Allison, my best friend and my manager at the same time entered the tent before I curse to death.
She walks towards me, and stand besides me to comb my hair.“Kumalma ka Bryle, jowa mo lang naman ‘yang tumatawag sa’yo bakit ba iritang irita ka na naman? If you’re going to tell me that he’s been calling you like thousand in just an hour, then why don’t you just answer his calls or block his number instead?”
Patuloy niyang sinuklay ang buhok ko habang nakatitig lang ako nang masama sa kaniya sa harap ng salamin.“Mami, you know that he’ll just annoy my day, bakit ko pa sasagutin tawag niya habang nasa set ako? And you also know the latter won’t work since he has tons of phone numbers to call me.”
Nakapako pa rin ang tingin ko sa kaniyang repleksyon sa salamin, at agad naman siyang tumigil sa pagsusuklay ng buhok at pumamewang. Unti-unting kumunot ang noo niya at sumama ang tingin sa akin.
“Jusko Bryle, anong gusto mong gawin natin? Hayaan nating ganiyan ‘yang jowa mo? If you can’t do something for your peace, you can officially cut ties with him” inis niyang payo sa akin.Napatingin na lang ako sa telepono kong walang tigil sa pagtunog at napabuntong hininga.
“Give yourself a time to decide, Bryle. Tatlong taon ka nang ganiyan, hindi ka ba napapagod?”
I know this cycle at alam ko rin kung saan na patungo ang susunod niyang sasabihin kaya’t tumayo na ako mula sa aking pagkakaupo at kinuha ko ang telepono,
“Mami can you go outside he he?” at alam niya na ang ibig kong sabihin, agad siyang tumango.
“Oo na Bryle, iniisip ko minsan kung manager mo ba ako o PA e, oo na po heto na magbabantay na sa labas at baka may makarinig pa sa usapan niyo ng asawa mong hindi mo naman nakakasama sa ba---“
I cutted her off.“ALLISON!!!!” tumawa lamang siya at itinaas ang dalawang kamay bilang tanda na wala na siyang sasabihin pang iba. But I doubt.
Sasagutin ko na sana nang humirit pa talaga.“MAG-I LOVE YOU KA SIS” at humagalpak siya sa tawa.
Napairap na lang ako at agad nang sinagot ang tawag.
“Sir, sumagot na po si Ma’am Bryle” dinig kong sabi ni Manong Anton na isa sa mga driver niya.
“Give me the phone”, dinig ko na ang boses ni Dane sa kabilang linya.
Ilang segundo pa at nagsalita na ang “asawa” ko.“Bryle, answer the fcking calls ASAP, don’t make me wait.”
Seryoso ang tono ng boses niya at alam kong may importante na naman siyang sasabihin, ano na naman kaya ‘tong pakana ng lokong ‘to?
YOU ARE READING
A Walk Through Your Pieces
General FictionShe's been married to a man that she never loved to begin with, ending their ties is about to come but suddenly their life changes when she wanted to dig her past and bring all the memories she lost. An actress who always think of her dad's sake fal...