Kabanata 1

12 4 8
                                    

Forgotten


Four years ago.

February 18, 2016

Bryle’s POV

“Ah, sh$$^#@$” napahawak ako sa ulo matapos akong tumama sa manibela nang bigla kong inapakan ang break ng kotse.

I was driving alone pauwi ng Cavite and past 12 AM na, and I fcking witness a car accident!!

Nasa likuran ako ng Red Montero Sport nang bigla itong bumangga sa malaking puno.

For  seconds, I just stare at the car blankly.

“Damn it” utas ko at agad kong tinanggal ang seatbelt ko.

Sa dami naman ng makakawitness ng ganito ako pa talaga, Lord naman!


Kinuha ko ang phone ko pati ang malaking flash light sa may drawer. Binuksan ko ang flash light at itinungo sa kung saan naroon ang nabanggang kotse. Walang napapadaang mga sasakyan sa highway na ito dahil sobrang dilim at accident prone talaga.

I chose this road because I wanted to be at Cavite as soon as possible dahil hinahanap na ako ng Dada, kagagaling ko lang sa shooting at hindi na ako sinamahan ni Allison pauwi dahil may inaasikaso siya para sa event ko mamaya.




Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, gusto ko sanang bumalik na lang ng kotse  at itawag na lang ang aksidenteng ito pero ayaw na ng mga paa kong mag-urong sulong pa. Tumawag na agad ako ng ambulansya matapos kong lumabas sa kotse at sabi nila reresponde na agad sila, malapit-lapit lang ang hospital dito kaya’t sana makarating sila agad.


Nanlaki ang mata ko nang makita kong duguan ang nasa driver’s seat, but he’s still breathing. Sobrang wasak ang unahan ng kotse pero buti na lang at sa passenger’s seat lumusot ang malaking sanga ng puno.




Agad kong binuksan ang pinto ng kotse at sinilip kung may iba pa bang sakay. He’s just the only one in his car and he’s around 60’s.


Kinakabahan ako dahil ang bilis umagos ng dugo sa bandang kanan ng ulo niya. Iwinawagayway ko ang flash light para sa pag-asang may daraan na iba pang sasakyan para matulungan ako, laking gulat ko nang magsalita siya.


“S-sa-sal-amat apo” utas niya habang nakasandal ang ulo sa manibela. Wala namang ibang naipit na parte ng katawan niya, tanging umaagos na dugo lang sa ulo ang nagdaragdag ng tensyon sa akin.



“Sandali lang po, Lolo parating na po ang ambulansya”



Nang marinig ko ang ambulansya ay agad kong iwinagayway muli ang ilaw para makita agad kami. Ilang minuto pa ay nakarating na rin sila, hindi ko ginalaw sa posisyon niya si lolo dahil baka may bali siyang parte ng katawan at lalo ko pang mapalala.


“Ma’am, kamag-anak niyo po ba si Sir?” tanong ng isang Medical officer sa akin.


“Ah hi-hindi po” nangangatal ako at hindi pa rin matapos-tapos ang pagtambol sa dibdib ko.


“Kumalma po muna kayo ma’am, may paparating na rin pong Police at magt-tow po ng kotse, sa hospital na lang po kayo hihingan ng statement, pwede niyo po bang samahan si Sir?” tanong niya nang may pag-aalinlangan.


“Ah opo sige po sasaglit po ako." mahinahon kong sagot sa kaniya. Hindi niya ako nakilala, hindi dahil madilim ang paligid sadyang hindi ako kilalang artista.

Nang makarating kami sa hospital at naasikaso na siya sa emergency ward agad akong tumawag kay Dada.

“Yes da, uuwi po ako agad, don’t worry I got no scratches po” pagpaliwanag ko habang paulit-ulit kong iniikot ang pendant ng kwintas ko.


A Walk Through Your PiecesWhere stories live. Discover now