Saved
About four years ago…
“Dada!! Dada!!” sambit ko habang sinasabayan ko ang stretcher patungo sa emergency room.
Patuloy na umaagos ang luha ko habang hawak ko nang mahigpit ang kanang kamay ni Dada.
Saktong pagkabukas ko nang pinto nang makita kong tumumba siya sa may sala.
“Da-da”
“Ms. Bryle, hanggang dito na lang po kayo” at hinarang na ako ng isa sa mga nurse nang makapasok na si Dada sa emergency room.
Tumango naman ako habang nakatakip sa bibig ko ang kaliwa kong kamay, nanghihina akong napaupo sa bench ng hallway. Napayuko at itinakip ko sa mukha ko ang dalawa kong kamay, narinig ko ang pangalan ko sa pag-uusap sa hindi kalayuan sa aking kinauupuan
“Si Bryle ‘yun ah, hala nasugod na naman ata sa hospital ang tatay niya” sambit ng medyo matandang boses ng babae.
“Papicture tayo” isa pang babae ang nagsalita.
“Uy baliw ka ba kita mong umiiyak e” tugon naman ng isang lalaki.
Wala akong lakas para lingunin sila dahil ako lang talaga mag-isa rito sa hospital at papunta pa lamang si Ali.
“Hello po pwede pong papicture, Ms. Bryle hehe pasensya na po” biglang sambit ng babae, nakita ko namang nasa harapan ko na sila kaya’t pinunasan ko ang nanlalagkit na mga luhat sa aking mukha at tumingin sa kanila.
“Ah sure po” sambit ko at tumayo ako nang walang pag-aalinlangan.
Pinilit kong ngumiti sa kanila, dahil Bryle, artista ka.
“Pasensya na po at medyo hindi po maayos ang itsura ko” ani ko sa kanila.
“Hala hindi po ang ganda pa rin po ninyo at ang simple pa” tugon ng babaeng kanina pa nagpupumilit sa mga kasama niyang magpakuha ng litrato sa akin.
Pumagitna ako sa dalawang babae habang ang lalaki naman ang may hawak ng cellphone nila. Hindi na raw magpapapicture ang lalaki dahil nahihiya raw siya at baka istorbo pa sa akin.
“Ako po si Irene, siya po si Jun at ito po si Tita Kay” sambit nang may galak ng babaeng halos kasing edad ko lamang.
“Nice to meet you po” at ngumiti ako sa kanilang tatlo. Baon naman nila ang matatamis na ngiti bago pa sila tuluyang tumalikod sa akin. Muli akong umupo at tumulala nang makaliko na sila ng hallway.
“SIIIIIIIIIIIIIIIIS” napalingon ako at nakitang kumakaripas ng lakad si Ali patungo sa akin.
“I’m so sorry huhu, bangag pa ako sa walwal kagabi kaya ang tagal ko bago nasagot ‘yung tawag mo huhuhuhu sorry talaga” at ngumuso siya sa akin habang hawak ang dalawa kong kamay.
“Ayos lang, sanay na ako” at umikot sa ere ang mga mata ko.
“Ito naman minsan lang magwalwal ang manager e, pero sis sorry talaga” at umupo siya sa tabi ko. Hawak niya pa rin nang mahigpit ang mga kamay ko.
Napatayo ako nang lumabas mula sa emergency room ang isang doktor.
“Bryle! Tito Alex is now fine, it seems like you guys didn’t notice his blood sugar level, he fainted because of that.” Si Basty pala ang doktor na tumingin kay Dada, he’s one of my suitors, but I am not really into dating kaya we keep each other as friends.
YOU ARE READING
A Walk Through Your Pieces
Narrativa generaleShe's been married to a man that she never loved to begin with, ending their ties is about to come but suddenly their life changes when she wanted to dig her past and bring all the memories she lost. An actress who always think of her dad's sake fal...