Outlook
Bryle’s POV
I am not that famous, I never experience getting full-packed projects in a year.
I’ve only lead twice in a movie but never in a series because DC Entertainment does not see me as an artist that can go further, nevertheless, I keep on going.
My career change when I help one of the most known Tycoons in Asia, Mr. Carlos Asuncion.I was hesitant to go to his office two weeks after the accident but Ali keep on pushing me and telling me that this might be my starting point to go beyond.
“Can you take a picture of us?” tanong ng sekretarya ni Mr. Carlos sa isa pang staff sa opisina ng A Corp.
Tumango ang babaeng staff at kinuha ang cellphone ng sekretarya ni Mr. Carlos.
“Mas maganda po pala kayo sa personal, Ms. Bryle” sambit ng sekretarya at tumabi siya sa akin.
“One… two… three… Smile” ani ng babaeng staff nang kuhaan niya kami ng litrato.
Nag-request din ang limanh iba pa nilang staff na magpakuha rin ng litrato sa akin naputol lang ito nang may dumaang lalaki at nahawi ang kumpulang mga empleyado ng A Corp.
“You shouldn’t tolerate things like this Mr. Cuevas” ani ng lalaking nakaitim na pormal na terno at agad namang nagsipag-alisan ang mga empleyadong kanina lamang ay sabik na sabik makausap ako.
Napayuko naman ang sekretarya ni Mr. Carlos na tinawag nga nitong lalaki na si Mr. Cuevas.
“This will not be repeated, Sir” tumingin siyang muli sa lalaki at yumuko nang dalawang beses.
Tinignan lamang ako ng lalaki mula ulo hanggang paa at agad pumasok sa kwarto na may nakalagay na “CARLOS V. ASUNCION – FOUNDER AND CEO”.
“Pasensya na po, Ms. Bryle, ayun nga po pala si Mr. Dane Asuncion, pangalawang apo ni Mr. Carlos, pasok na po tayo” at inilahad niya ang kamay niya matapos niyang buksan ang puting pinto na may nakaukit na Greek designs.
Iniikot ko ang aking mga mata nang makapasok ako sa kwarto ni Mr. Carlos, kitang-kita mula sa kwarto niya ang kabuuan ng Makati dahil nakatayo ang gusaling ito sa pusod ng lungsod.
Nakabukas lang ang mga binta kaya’t mas lalo akong namangha sa aliwalas ng opisina niya.
“Ms. Gutiel, thank you for saving me, have a seat” bungad sa akin ni Mr. Carlos at imwinestra niya ang kaniyang kamay sa tapat na sofa na kinauupuan ng pangalawa niyang apo.
Ibang-iba ang itsura niya noong naabutan ko siyang duguan sa kaniyang sasakyan, ngayon nakita ko nang mas maliwanag ang isa sa mga kilalang negosyante sa Pilipinas.
Umupo ako sa tapat ng apo niyang si ‘Dane’, medyo nakaramdam ako ng hiya nang magtama ang mga mata naming dalawa, walang ekspresyon ang kaniyang mga mata pero pakiramdam ko’y binabantayan ako ng mga ito.
Bumaling ako kay Mr. Carlos nang magsalita siya.
“Here’s my offer for you, Hija” inabot niya ang isang puting envelope.
Walang ano-anong kinuha ko ito sa kaniya at napatingin sandali kay Dane dahil ramdam kong hindi niya ako inaalisan ng tingin, at naiirita na ako pero umarte akong hindi ko nakikitang nakatitig lang siya sa akin.
Wala akong ideya sa kung anong laman ng envelope kaya’t binusan ko na agad ito, hinatak ko ang matigas na puting papel sa loob nito at hindi pa man ako nakakapagsalita ay muling nagwika si Mr. Asuncion.
![](https://img.wattpad.com/cover/236764753-288-k649435.jpg)
YOU ARE READING
A Walk Through Your Pieces
General FictionShe's been married to a man that she never loved to begin with, ending their ties is about to come but suddenly their life changes when she wanted to dig her past and bring all the memories she lost. An actress who always think of her dad's sake fal...