Chapter 1

82 5 0
                                    

August 10, 2016

Rringggg...rringgg...ringgg....Rringgg....

7 am palang pero grabe kung makapag alarm tong si Jane. Actually siya ang kasama ko dito sa kwarto ko dahil ayaw niya mag-isa sa kwarto.

Pero masyadong maaga siya mag alarm at ako lagi ang nagigising ng kaniyang alarm dahil masyado siyang tulog mantika.

"Jane pakipatay naman ng alarm mo please, masyado pang maaga para sa bakasyon naten"

Mabilis din naman niyang napatay ang kaniyang alarm pero pagkatapos non hindi na ako nakatulog pa.

Bumangon na ako at ginawa ang skincare routine. Masyadong mahaba ang byahe namin papunta sa Lucban sa Quezon upang magbakasyon para masamahan namin ang aming lola

Sabi nila maganda daw don dahil madaming pasyalan, kaya masyadomg excited si Jane. Actually 4 kaming mag pipinsan na babae na pupunta don.

Naghanda na kameng lahat dahil kailangan na talaga namin masamahan si lola dahil aalis ang kaniyang anak na si Tito Gerald upang mag trabaho

Di mayaman ang pamilya namen hindi rin sobrang hirap dahil ang estado namin ay nasa gitna na minsan ay pumapasok sa pagkawala ng pambayad sa mga utang pero ngayon ay nakakaahon kame dahil nga sa pagtratrabaho ni Tito Gerald sa New Jersey.

Nakarating kami sa Lucban kung saan ito ay probinsiya. Kung saan doon din kami mamimili at papasok sa kolehiyo.

Ngunit ang kinatatayuan ng bahay ng aming lola ay malapit sa isang palayan kung saan nandoon den ang pagmamayari ng pamilya namin na may palayan kung saan pinag hati hatian ng pamilya namin upang mabili ang lupain na iyon.

Binaba namin ang gamit namin pagkababa namin sa tricycle at tinignan ang tanawin ng lake

"Tagal na nating hindi nakakapunta dito" Sambit ni Talia. Isa siya sa pinsan ko na pinaka malapit sakin.

Kahit kase kasama ko sa kwarto si Jane mas close ko paden si Talia dahil parehas kame ng ugali di tulad ni Jane at Zeffany na sobrang daldal.

Close kaming magpipinsan dahil lahat ng problema namin ay open kami. Mapa lovelife, problem sa school or kahit ano.

"Paniguradong excited na si Lola na makita tayo dahil for sure miss niya ang magaganda niyang apo" Sambit ni Zeffany

"Halina't mag lakad dahil baka hapunin tayo mahaba haba pa bago tayo makarating sa bahay ng lola niyo" sambit ng aleng paparating at napansin kong isa to sa kasama ni lola sa bahay.

Naglakad kami papunta sa bahay ni lola at malayo layo nga ito. Sabi ng ale samen bakit daw doon kame bumaba dapat pinapasok nalang namin yung tricycle para di na kame mahirapan sa paglalakad

"Masyadong matanda na ang lola niyo dahil hindi na niya kaya pang mag trabaho" sambit ulit ng ale.

"Aling Marian nalang itawag niyo saken dahil hindi naman kayo iba samen, tsaka buti nalang nakita ko kayo kung hindi baka maligaw kayo dahil ginagawa ang daan na alam niyong daanan. Dito tayo" turo niya sa isang daan na makipot

Buti nalang at nakita namin si aling marian kung hindi baka hindi lang kami hapunin baka gabihin na den kame dahil daming pasikot para makadating sa bahay ni lola.

"Matagal na po ba ginagawa itong daanan?" Tanong ni Talia kay aling marian. Nakakapagtaka nga dahil parang natambak ang pag gawa dito sa daanan dahil nag babasag basag ang ibang lupa

"Ang totoo nan namatay na kase si Capitan Ben noong isang buwan kaya hindi na natuloy ang pagpapagawa dito sa daan" Sambit ni aling marian

Natahimik kaming lahat at nagpatuloy nalang sa paglalakad hanggang sa makadating kame ninda aling marian sa bahay

"Oh Marian nandiyan ka na pala sino ang mga kasama mo?"

"Siya nga pala asawa ko si Manuel" Pagtutukoy ni Aling Marian samin. "Manuel mga apo ni Lola Ava sinda Talia, Jane, Zeffany at Laylin" pagpapakilala naman ni aling marian sa anak niya

Tumango kami kay mang manuel. Nagpaalam at Nagpasalamat kame sa kanila at nagtungo na sa bahay ni lola

Ang daming pinag bago ng lugar nito simula umalis kami dito. Bago na rin daw ang namumuno dito sa lugar na to na ipagpapatuloy daw ang project na nasimulan ni Capitan Ben

Nakakalungkot ng pinag usapan namin ang pag panaw ng Capitan dahil maliliit palang kame siya na ang namumuno dito sa lugar na ito at halos lahat ng nasasakupan niya ay hindi nagugutom dahil binibigyan niya ito ng mga pangkain ng pang isang buwan.

Nakadating kami kaynda Lola Ava at binati niya kami ng masigla at masaya siya dahil ligtas kaming nakadating dito.

Nandito pa din si Tito Gerald at bukas na siya luluwas sa Maynila para makaalis na siya patungong New Jersey

Masayang nag salo salo kami ninda Lola Ava at masaya kame dahil nagkasama sama ulit kami. Hindi man kumpleto pero atleast nag kita kita kame at masayang mamumuhay sa Lugar na to sa mga susunod pang araw.

----
Thankyou ulit guys!!!!

So Many Things I Want To SayWhere stories live. Discover now