Chapter 8

43 3 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang mamahaling restaurant na nagpagkaalaman ko na ang nag mamanage ay ang nanay ni Jaycee na kapatid ni Zach

Grabe lang dahil sobrang yaman nila kesa sa inaasahan namin. Kumakain lang kami sa isang sosyal na kainan pag may occasion at mga gatherings pero sila pag nagugutom lang dito sila mag memeryenda? Ibang klase naman ang pamilya nila

Matagal na palang mag kaybigan si Trayton at Zach since Elem sila dahil magkaibigan ang magulang nila.

Ang daldal din ni Sir Oct dahil nikwento niya ang pagka makulit ni Zach at Trayton

Speaking of Trayton di pa din siya umiimik at nakatingin sa akin at pag lilingon naman ako sa kanya ay iiwas siya at pagnahuhuli ko ay na iling naman siya.

Ang weird ng lalaking ito, di ko alam kung gusto ba niya ako o paasa lang talaga siya

Ang sasarap ng pagkain dito at nameet din namin ang ate ni Zach. Pinaalis nga si Zach dahil bat daw kinalimutan ang pagkaon kay Jaycee ay may family dinner daw ang family nila mamaya

Aanyayahan pa nga sana kami mag dinner kaso nakakahiya na kaya tumanggi nalang kami at sinabing hihintayin pa kami ng lola

Kaya ng matapos ang meryenda na masaya ay inutusan ni Sir Oct si Trayton na ihatid kami sa amin at baka gabihin pa daw kami pag maghihibtay pa kami ng jeep.

Di naman umangal si Trayton dahil utos yun ng kanyang ama at may awtoridad ang pagkaka sabi nito

Masaya ang naging paalam namin at inimbitahan kami ni Sir Oct sa kasal ng kapatid ni Trayton

Pagkalabas namin sa retaurant ay bumungad sa amin ang ford na sasakyan ni Trayton

Sumakay ito ng walang imik at napaka snobero naman ng lalaking ito hmpp.

Sumakay ang tatlo sa likod kaya sa passenger seat ako sumakay. Walang naging imik ang tatlo dahil masyadong seryoso ang lalaking nag mamaneho ng sasakyan.

Di siya tulad ni Zach na maraming kwento. Nang ma bored ako ay nilibot ko nalang ang buong sasakyan, minsan pa ay kinakalikot ang cellphone na nakakatamad dahil walang magawa.

"Sa uanang barangay lang kami" pambabasag ko sa katahimikan.

Tumango lang siya at di na muli umimik. Ano ba naman lalaking ito napaka tahimik dinaig pang di nabiyayaan ng dila na di marunong mag salita

Nakita ko sa rear view mirror ang tatlo na natutulog dahil narin siguro 5pm na at dahil sa pagod

"Ahh puwede ba magtanong?" Tanong ko sa kanya na nagaalinlangan dahil di ko alam kung sasagutin ba niya ako

"Your already asking" matigas na pagkakabigkas niya. Kyaaahh kahit ang lamig ng boses niya ang gwapo pa din ng tono grrrr.

"Ahh hinde kase ano, bakit mo pala ako hinila nung paakyat ako?" nahihiya ako dahil ayaw ko din naman umasa na baka may gusto siya sakin pero malay mo naman diba heheheh

"I just want to check you if you're okay" pag uulit niya sa sinabi niya kanina nung hinila niya ako

"Bakit mo naman ako iccheck kung okay lang ako?" nagtataka kong tanong dahil wala talaga akong kaide ideya kung bakit siya ganon maka asta kanina

Di na ulit siya umimik at malapit na pala kami dito sa amin kaya tinuro ko nalang sa kanya ang daan

"kumaliwa ka diyan tas sa ikatlong bahay ayun na yung amin" pagtutukoy ko kung saan ang aming bahay

Tumango lang siya at sinunod ang sinabi ko. Napaka masunurin naman ng lalaking ito una yung utos sa kanya ng Tatay niya tas ngayon naman. Parang lahat ng sabihin sa kanya gagawin niya ah.

So Many Things I Want To SayWhere stories live. Discover now