Chapter 2

75 4 0
                                    

Pagkatapos namin maghapunan kagabi nag pahinga agad kami dahil nga madami pa kaming aayusin ngayon araw dahil ihahatid namin si Tito sa terminal at mag aani pa kami ng palay dahil mag dedeliver pa kami ng mga pa order sa bayan

At tsaka ngayong araw namin gagawin ang pamamasyal sa isang parke dito dahil nga hinapon na kami dahil masyadong mahaba ang daanan patungo dito dahil hindi pa nga tapos ang daang isinasagawa

"Ang ganda ng araw dahil ang gaganda ng ani ngayon" bungad samin ni Aling marian

"Kain ka Marian nag luto ako ng bilo-bilo" Bungad ni lola na galing sa kusina

"Ay wag na po Lola nakakahiya naman po"

"Ay nako! Wag ka na mahiya, saglit lang ikukuha kita ng bilo bilo at ipakain mo sa iyong mga anak" sambit ni lola at nagtungo sa kusina upang magsalin sa lalagyanan

Pumasok kami at nag salo salo na sa hapag kainan dahil ihahatid pa namin si Tito sa Terminal mamaya

"Lola nakaka miss naman itong bilo bilo mo" sambit ni Jane

"Nako apo kung gusto mo matutunan ang aking recipe pagkatapos natin ihatid si Gerald sa terminal ay tuturuan ko kayo magluto ng special recipe ng bilo bilo".

Na excite kaming apat dahil sa sinabi ni lola Ava samin.

Natapos na ang aming umagahan at nihataid na namin si Tito sa Terminal dahil mamayang gabi na ang kaniyang flight patungong New Jersey.

Natagalan pa nga kami sa terminal dahil masyadong madamdamin si lola at mangiyak ngiyak pa dahil 5 taon ang kontrata ni Tito Gab sa New Jersey

"Lola magiging maayos naman don si Tito dahil nandoon naman si Tita Everleigh at di siya pababayaan" sambit ko kay lola habang papalayo na sa amin si Tito

"Masyado lang kase ako nasanay na nasa tabi ko si Gabriel dahil siya ang nakasama ko sa bukid ng 2 taon dahil nga" maluha luha paring bigkas ni lola

Ang totoo niyan 2 taon na nakakalipas ng umalis kami sa bukid dahil nagtungo kami sa batangas para don ipagpatuloy ang pag-aaral naming apat.

May mga pinsan din kami sa batangas na naiwan ngunit ito'y mga elementary pa lamang kaya kami ang pinapunta dito dahil sa Lucban kami mag kokolehiyo at para masamahan namin si Lola.

Nag deretso na kame sa bukid dahil nga mag dedeliver pa kami ng bigas sa bayan. Madaming umaangkat sa amin ng bigas dahil nga malapit ang bukid sa bayan at hindi mahal ang pa deliver sa kanila.

"La, kami na po ang magdadala sa bayan mamaya ng mga bigas dahil mamamasyal din po kami sa Parke dahil nga hindi po kami natuloy kahapon" pagpapaliwanag ni Talia

Inayos namin lahat ang mga bagong ani ng bigas at pagkatapos ng mga gawain sa bukid ay naglibot libot kami dito

Ang lakas ng hangin na bumungad samin sa ilog at nadagdagan ang mga bahayan sa paligid nito

"Sariwang sariwa talaga ang hangin dito sa ating lugar kaya andaming turista na nag pupunta dito" salubong samin ni Mang Manuel, asawa ni aling marian.

Madaming nagbago dito sa lugar na to dahil mas dumami ang mga tao at talagang kung titignan sila ay nag kakaisa at masasayang nag tatrabaho

"San kayo pupunta Manuel" tanong ni lola kay Mang manuel

"Ipapasyal ko po ang mga bata sa kalapit na parke dahil wala na din naman po akong trabaho ngayon" masayang bigkas ni mang Manuel.

Natapos namin ang pagligo sa ilog ng masaya at busog dahil nag boodle fight kami kasama ang mga nag tatrabaho sa bukid.

Ang hirap ng buhay bukid dahil masyadong maraming responsibilidad na kaylangan gawin. Tulad ng mag trabaho at mahirap makasagap ng internet

Masyadong mahaba ang oras ng naging pag ligo namin sa ilog at pati ang ibang nagttrabaho ay nakiligo din pag katapos ng gawain

Madaming pinagbago sa lugar na ito kaya naman di na namin alam ang daan at kung saan lulusot para makapunta sa ibang tanawin dito

Lumipas ang araw at di natuloy ang pamamasyal namin sa Parke dahil naging busy kaming lahat dahil ngayon ang harvest ng mga palay.

Kung pupunta man kami sa bayan ay ayun ay magdadala lang kami ng bigas sa mga suki at dederetso na agad kami sa bukid para gawin ulit ang nakausang na trabaho.

Masyadong mahaba ang araw at pagod ang lahat dahil maganda ang sibol ng palay at maganda ang naging resulta ng nagawang bigas kaya't masaya at kinayod ng lahat upang mapadala na agad sa mga suki sa bayan

Mamamasyal lang sana kami sa lugar na ito at samahan si lola Ava pero di namin inaasahan na makakatulong kami sa lupain na ito

Masaya kami dahil naramdaman namin ang hirap na ginagawa nila at alam kong pinaghirapan itanim at pagandahin ang sibol ng palay para maging bigas at maging kanin

Talagang lahat ng bagay ay kaylangan paghirapan para maging perpekto kalaunay.

***
Please support my 1st story!! Thankyou so much mwaaa!!!

So Many Things I Want To SayWhere stories live. Discover now