Chapter 3

69 4 0
                                    

Ngayon ang isang linggo namin dito sa Lucban at natapos na ang pag haharvest namin at deliver sa mga suki sa bayan

At ngayon namin napagdesisyunan na mamasyal na talaga sa bayan.

"Girl ikaw na maliligo" ani ni Jane sakin na kinabalik ng aking diwa sa lalim ng iniisip ko

Tumayo na ako at naligo. Nag bihis ako ng kumportable sa katawan dahil masyadong madami ang papasyalan namin ngayong araw at ang ganda ng araw sa labas

Pagkatapos ng lahat ng bagay ay umalis na kami sa bahay. Sumakay na kami sa jeep at sama sama kaming magpipinsan papuntang bayan. Magtutungo muna kami sa palengke upang samahan si aling marian mamili ng pinapabili ni lola para sa lulutuin niya mamayang hapunan

Pagkababa namin sa babaan ay natungo na agad kami sa palengke upang bumili ng mga kaylangan at mapabilis dahil maglilibot pa kami sa ibang lugar sa san pablo

Una kaming nagtungo sa gulayan para deretso na daw sa pagbili ng mga frozen staff at mga kakailanganin ni lola sa pagluluto ng bilo-bilo dahil tuturuan niya kaming apat magluto nito

"Ale magkano sa kangkong niyo" Tanong ni aling marian sa tindera

"10 lang po ang isang tali" ani ng ale

"bigyan mo ko ng dalawang tali at isang balot ng bawang at sibuyas" patukoy ni aling marian sa sibuyas at bawang na nakabalot sa plastic

Natapos kami sa pamimili ng mga gulay at deretso na kami sa isdaan at karnehan. Mabilis kaming nakapamili ng mga gulay dahil alam na ni aling marian kung dan pupunta at ang galing niyang tumawad. Siguro kung ako ang uutusan na bumili dito ang laki ng magagastos ko dahil di ko alam kung paano ba siya nakaka menus sa mga mahal na paninda

Talaga ngang maingay sa isdaan at kelangan din ditong magingat dahil under renovation pa itong bayan dahil sabi ni aling marian ay ipapaayos ito ng mayor dahil para magmukhang malinis at hindi gulo gulo ang mga nagtitinda

"Grace magkano kilo dito sa galunggong?" tanong ni aling marian. Panigurado tatawad nanaman ito hahaha

"120 Marian pero 100 nalang dahil alam kong tatawad ka HA HA HA" magkakilala pala si aling marian at itong grace na sinabi niya.

"buti alam mo grace. Ay ito nga palang mga nasa likod ko ay apo ni Lola Ava dito sila maninirahan upang samahan si lola dahil kaaalis lang ni gerald" pagpapakilala samin ni Aling Marian

Ngumiti ako sa ale dahil di ko alam ang isasagot pero si Jane at Talia naman ay nag hi sa Ali.

"Ay kaygaganda nga ng mga dalagang ito" sambit ni Aling Grace "Ay siya dadagdagan ko itong isdang binili niyo dahil dumating pala ang mga apo ni Lola Ava" sambit ulut ni Aling Grace na kinatuwa ni Aling Marian

"Ay salamat Grace napakamabuti mo talaga" ani ni Aling Marian

Natapos na kami mamili sa lahat ng nakalagay sa listahan at humiwalay na kami kay Aling Marian

Kakain muna kami sa taas ng mall dahil may fastfood chain don. Mahaba haba ang oras ng pinamili namin kanina at mahaba haba din ang gagalain namin

Mukhang abno si Jane at Zef sa mga pinaggagawa nila dahil parang ngayon lang sila nakapunta dito e 2 years lang naman sila nawala sa bayan na ito

Napagpasyahan namin na sa Mcdo nalang kami kakain dahil pinagpilitan talaga ni Zef na doon kumain dahil may nakita daw siyang pogi

"Ako na oorder" pagprprinsita ni Zef. "ano ba gusto niyo?" tanong niya sa amin. Binigay namin ang mga gusto namin at pagkatapos non ay hinila ni Zef si Jane para masamahan siya sa pag order

So Many Things I Want To SayWhere stories live. Discover now