"By the way Laylin, di mo naman sinabi na may pinsan ka palang magaganda" napangiwi ako sa sinabi ni Zach
Nakatulog na si Jane at si Talia naman ay naka earphone kaya ako na ngayon ang kinakausap ni Zach na walang ka kwenta kwenta ang mga kwento
"Ah oo hehehe" nahihiya kong sabi. Ang awkward naman kase ng tanong niya.
"Ba't ka nga pala nasa Farm kanina" paninimula ko
"Actually yung nakasalubong mo kanina at nag benta sayo ng tubig ayun ang namamahala ng Farm" ani niya na kinabigla ko
"Yung tinderong yun? Na mabait?" gulat ko padin na tanong
"Anong mabait? Suplado yun at di namamansin. Pero kung pinansin ka niya either gusto ka niya or type ka niya" nakangising sabi niya
"Parehas lang naman yun diba?" di ako makapaniwala dahil yung gwapong iyon may gusto sakin? WTH????!!
"Pero may gusto siya saken? Mukhang malabo naman ata yun" talagang malabo dahil malabo talaga yun. Nagkibit balikat nalang siya sa sinabi ko
"Bakit ka nga pala pupunta sa parke? Diba gabi na ano gagawin mo doon?" nakakapagtaka naman na magpapahangin siya "Broken haearted ka ba?"Natawa siya sa huli kong sinabi. Kase karamihan sa mga broken nag pupunta sa mga park para magpahangin.
"Di ako broken hearted no, ako kaya nangiiwan. Tsaka pupunta ako sa bahay ni Trayton dahil may sasabihin daw siyang importante" ay kaya pala. Edi siya na gwapo pero mas gwapo si Trayton
"Saan ba don yung bahay niya?"
"Yung malaking bahay na nasa itaas, yung mansion doon" nagulat ako sa sinabi ni Zach
"Seriously????!" di talaga ako makapaniwala dahil mukha pa siyang bata para mag karoon ng ganon kalaking bahay.
"Oo, then ako naman ang nag mamanage ng hotel na pinamana sa akin ng Dad ko" seriously? Ang babata pa nila para magkaroon ng ganon
"Ilan taon na ba kayo?"
"I'm 21 and si Trayton is 22" ay akala ko pa naman ka edad ko sila kasi hindi sila mukhang matanda.
Madami kaming napag usapan ni Zach about kung kelan kami naka dating dito and about his life in manila when he's still kid. Bff din daw sila ni Trayton since elem sila because their dad is magkasosyo sa isang bussiness.
"Dito nalang kami Zach" pagtutukoy ko ng nasa tapat na kami ng bahay ni lola
Inabot kami ng 7:00 dahil sa haba ng byahe at buti nalang nakita namin si Zach kung hindi baka abutin kami ng alas diyes
Sinalubong kami ni lola at gising na pala si Jane at ayus nadin daw ang pakiramdam ni Zef.
Nagpaalam na si Zach at todo pasasalamat ni lola dahil baka mapa ano kami kung hindi niya kami hinatid
"Mga apo bakit naman kayo inabot ng gabi alam niyo naman na nag aalala ako sa inyo lalo na't ngayon nalang ulit kayo naparito" ani ni lola
"Buti na lang La, mabait yung nakilala ni Laylin sa Sunflower Farm kaya nung nakasalubong kami hinatid na kami" sabat ni Talia
"Oo nga tas ang gentleman pa niya" bumubungisngis na sambit ni Jane. Ito talaga wala sa lugar ang kaharutan. Kahit naman ganito ako nilulugar ko ang pagkagusto ko sa lalaki
Kumain na kaming apat dahil sa haba ng biyahe. Tapos na rin daw si lola kumain dahil kasama niyang maghapunan ang mga kasama niya sa pag aani
Pagkatapos namin kumain ay umakyat na si Zef dahil may aasikasuhin pa daw siya. Si Talia naman ay matutulog na at kaming dalawa ni Jane ay maglilinis ng katawan.
Pagkatapos naming maglinis ay pumanhik narin kami at natulog dahil bukas kami mag eenroll
Actually late na kaming mag eenroll dahil bukas na ang pasukan sa school at inuna namin mag ani dito sa bukid kesa mag enroll buti nalang at guro doon ang isa naming Tita
KINAbukasan ay maaga ulit kami nag handa dahil nga ieenroll kami ni Tita Taty sa isang school dito
May dalawa siyang anak na si Alexandra na Highschool palang at Aj na Elementary palang. Si Tita Taty dati ang nag tututor sa amin since elementary pero nag asawa na siya kaya napalipat siya dito sa Lucban
Nagbihis kami ng ayos at pormal because Tita Taty ask that kelangan daw sa school na iyon dahil pinapakita ang pagiging responsableng mong studyante
Nakarating kami sa paaralan at talagang malawak ang paaralan na ito dahil entrance palang makikita mo ang L na building may malawak na parking area na sabi ni Tita ay doon minsan nag peperform ang mga students pag may mga Camp then may maliit na chapel then may auditorium den. Pero isa lang masasabi ko sobrang ganda niya at sobrang laki
'O'<----
Nakita namin si Tita sa Gate at kasama niya si Tito Gray at ang dalawa niyang anak na si Alexandra at Aj.
Nilibot kami ni Tita sa Buong paaralan at pagkatapos non ay dumiretso kami sa office upang mag enroll
"Ma'am this is my nephew Talia, Laylin, Jane, and Zeffany sila po yung sinabi ko sa inyo na dito mag eenroll para sa college nila" Paninimula ni Tita sa pagkausap sa Principal daw sa school na ito
Naging maayos ang pag ttransfer namin sa Paaralan na ito at hindi hassle dahil madaling pakiusapan ang Principal at magaganda din naman daw ang grades namin sa dati naming pinapasukan.
"Jane, Talia, Laylin and Zeffany una na kami at mag sisimba pa kami at ipapasyal namin ang mga bata" pagpapaalam ni Tita sa amin. "Bukas ang inyong pasok kaya mamili na kayo ng mga gagamitin niyo" inabot ni Tita ang listahan na kelangan namin bilhin at nag paalam na aalis na sila
Tinawag na ni Tito Gray ang dalawang bata at umalus na sila. Pagkaalis nila ay may malakas na busina galing sa labas na may papasok na sasakyan
Pagkapasok ng sasakyan na may laman sa likod na madaming bulaklak ay ang paghinto nito sa gitna at pagbaba ng lalaking maskulado at mataas na lalaki na napagtanto kong si Trayton ang nag deliver ng mga bulaklak.
Pagkababa niya sa kotse ay sa amin siya unang dumiretso
"Miss your towel, nalimutan mong kunin sakin kahapon" pagkaabot niya sa akin ng towel galing sa bulsa niya ay umalis na siya at tinawag ang dalawang guard sa labas at nagpatulong ibaba ang mga bulaklak
Ako naman ay kinikilig at parang tangang walang magawa kundi mamula
"Hoy mukha kang abno diyan Laylin, halika na't mamimili pa tayo" pangbabasag ni Talia sa gitna ng kilig ko
****
Sorry kung conyo yung ibang part at puro dada lang yung story hehehehe.
YOU ARE READING
So Many Things I Want To Say
FantasiIts like a nightmare or its just a dream? Paano sila magkakakilala in real life? I know marami kayong tanong kaya basahin niyo na yung story dahil I'm sure you'll like it. =)