Z ( 2)

13 1 0
                                    




Nang makarating kaming mall kanina ay naghiwalay kami kaagad ng landas ni Breaker since magkaiba kami ng papasukan na shop.  Its almost 7 in the evening when I looked at my watch.


 Nasa Penshoppe ako ngayon halos isang oras ata akong namimili ng mga gamit na gusto ko. In the end, I almost brought Black shirt with a pair of black pants, sandos, and shirts. Bumili na rin ako ng undies ko at dalawang black hoodie with a different colors of cap. 


" here's your things ma'am. Siya nga po pala we have a jigsaw keychain po. SInce umabot po sa 15,000 po ang nagastos niyo "


sabi niya saakin. Woah. Cool. 


" really?! Libre lang ba talaga yan?! "   I love jigsaw movies pa naman. Kaya kinuha ko na agad ito sa sales lady at nagpasalamat rin sa kanya for those giveaway keychains. Dalawang kulay ng jigsaw mask keychains ang nasa kamay ko ngayon - it's a silver and bronze.


Should i give this one to Breaker? kasi masyado na akong naging pabigat sa kanya, kaya kailangan ko naman siya bigyan ng kahit konting regalo galing saakin para maalala niya naman ako kahit papaano. At isa pa ibibigay ko ito bilang pasasalamat na rin sa lahat ng ginawa niya para saakin, Unang una ay yung pag aalaga sa sasakyan ko at pangalawa naman ay ang paghatid saakin dito sa mall. Palabas na ako ng Penshoppe ng tumawag saakin si Breaker. Sinagot ko din naman agad ito.


" Hello Kira, medyo matatagalan lang ako sa pagkita sayo may aasikasuhin lang ako malapit sa mall, emergency lang kasi. Call mo lang ako pag natapos ka na mag shopping pupuntahan agad kita dya- "


I cut him. 

" Ayos lang yun, ano ba! saka hindi naman ako bata para maligaw sa mall ano. "


Narinig ko pa ang malalim niyang pag hinga, siguro nga ay emergency talaga yung pupuntahan niya at mukhang kelangan talaga siya doon. Kaya tatawagan ko nalang siguro siya kapag magpapasundo na ako. But I'm relly bothered kung ano ba yung gagawin niya. 

I should enjoy myself, kahit na solo flight lang ako.


Nang mapagod ako kakaikot ay napagpasyahan ko nalang din na kumain sa isang fast food chain. Nag order lang ako ng steak with rice at isang cup ng soda at fries na din. Sinimulan ko ng lantakin yung steak at dahan dahan itong nginuya, upang lasahan ito. Napailing ako at kumagat ulit ng steak para kainin ito. Kakaiba talaga ang lasa niya, parang matabang lang na karne ito para saakin, kahit na luto nato at may nilagay na kung anong pampalasa. Pero wala talagang lasa.


Akala ko noon ay sadyang wala lang akong malasahan sa pagkain pero simula nang makatikim ako ng sariwang laman ng taong mula sa mga pinapatay ko ay tila ba nanumbalik na ang panlasa ko sa pagkain. Tinabi ko na lamang ang aking pagkain dahil nawalan na ako ng gana. Nilabas ko na lamang ang phone ko at nagsimula na akong magbukas ng Instagram. Ng magsawa ako sa IG ay sa Facebook naman ako tumambay, tamang scroll lang at tiningnan ang  mga walang kwentang myday nila sa facebook ko, ang iba naman ay ginawa pang slideshow ang myday nila. Ang daming nag add saakin, karamihan sa kanila ay puro kalalakihan, ang iba naman ay kakilala ko base sa pangalan nila. Pero isa sa mga pumukaw sa aking Friend Request ay si....

RAGAZZA CANNIBALETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon