Hinila ni Aldren ang kamay ko palabas ng fastfood chain, hindi ko alam kung saan ba kami kakain dahil hindi ko din alam kung ano ba talaga ang taste ng lalaking ito. Malay mo gusto niya ng pinoy food? Like adobo, sinigang, o kaya naman ay tahong diba?
kanina pa kami palakad lakad pero wala pa kaming mahanap na pwedeng makakainan. Dahil kung hindi puno ay ayaw namin parehas ang kainan. Sure ball din naman akong wala akong malalasahan kapag kumain na kami. Sumasakit na din ang paa ko palakad lakad kanina pa. Parang inikot na nga ata namin tong SM ng paulit ulit eh.
" Hoy!.. teka! hoy!..saglit! " Sigaw ko sa kanya. Kaso ang walangya, binge amputa.
Sumasakit na din ang kamay ko sa higpit ng hawak niya saakin. Nakita ko pa ang bakat ng daliri niya namumula kong balat dahil sa mga hawak niya. Ang laki -laki pa ng mga hakbang niya palibhasa mahaba ang mga paa nito kaya malalaki ang hakbang niya.
" Hoy! " Tawag ko ulit sa kanya.. kaso daretso lang siya sa paghigit sakin. Di parin lumilingon ito na para bang sinasadya niya pang mag bingi bingian. Pagpatuloy mo lang yan.
Tang ina niya talaga sagad.
Naiinis na ako, humanda ka saking kupal ka. Gagantihan kita mamaya.
Napansin ko na lamang na daan na ito palabas ng SM. T-teka nga? Bakit kami lalabas ng SM? uuwi na ba kami ng hindi pa kumakain?
" Hoy Aldrean ano ba! Daan na to papuntang exit ah? "Singhal ko sa kanya sabay bawi sa braso ko. Pakshet ang sakit na ng kamay ko kakahila niya kanina sakin. Feeling ko'y mababakli na ang kamay ko. Pero nginitian niya lang ako
"Naisip ko na mas maganda kung sa labas nalang tayo kumain. Hindi sa mall na ito masyado kasing madaming tao" tugon niya saakin.
Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman pero..
" Tao ka din naman diba? " balik kong tugon sa kanya.Sinamaan niya naman ako ng tingin na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi kong kalokohan sa kanya. Alright. Fine! Mapilit ka eh.
Hmm.. sabagay pwede na din pero di ko din maintindihan kung bakit di niya yan naisip kanina at nagpapakahirap pa kaming mag ikot ikot sa mall. Siguraduhin niya lang na mag eenjoy ako sa pagkain dyan sa labas na yan.
Nakarating kaming park kung saan andon ang kotse niya banda sa pinaka dulo at masyadong madilim dito. Nakita ko din na masyadong tinted ang sasakyan nito. Maganda din ito at halatang mamahalin pa. Sumakay na ako sa shotgun seat at sumakay na din si Aldren sa driver's seat. Nang sinimulan niya na itong pinaandar ay bigla itong nagloko.
what the?
Ang dami talagang nagloloko...
naglolokong sasakyan what i mean.
Napansin ko naman ang paglanding ng malikot na kamay ni Aldren sa aking hita, at dahil nga naka shorts lang ako at jacket na white and black dahil nagpalit ako sa CR ng mall kanina bago kami magkita sa fastfood chain ni Aldren.

BINABASA MO ANG
RAGAZZA CANNIBALE
Mystery / ThrillerA girl with a class, sophisticated, but more pleaded and addicted into intercourse with men. " Sooner or later baby..you're gonna be eaten~ " she giggled like she's too excited for that part..