15

429 19 37
                                    

"N-No... no... L-Lolo..." sinapo ko ang mukha ni Lolo gamit ang mga nanginginig kong mga kamay.



 

Katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng kwarto marahil sa nasaksihan. Para akong tinakasan ng dugo nang bumagsak ang kamay ni Lolo sa magkabilang gilid ko. Para bang may naalala akong pangyayari na nangyari noon at naulit ngayon. Tila ba'y pinagsakluban ako ng langit at ng lupa nang marealize ko ang mga pangyayari.






Ito ang isa sa mga kinakatakot ko na nangyari na.



 


Wala akong nagawa dahil ako nanaman ang iniligtas at dalawang buhay na ang naisakripisyo para lang mailigtas ako. Gaano ba ako kaimportante at kailangan pa nilang ibuwis ang buhay nila para lang mabuhay ako, samantalang gusto ko nang mamatay?






Life is so ironic.






Ngayon, iniwan pa ako ng nag-iisang pamilya ko na kadugo ko. Iniwan ako ng Lolo ko na nagpatunay na ang lahat ng tao ay pwede pang magbago. Ang Lolo ko na siyang minahal ko at pinagsumpaan ko sa sarili ko na poprotektahan ko siya hanggang sa makakaya ko. But the opposite happened. He sacrificed his life for my own sake.






Why? Bakit?





Bakit kailangan ko pang mawalan ng taong importante sa buhay ko? Yung may malaking role pa sa buhay ko? Bakit napakadaya naman yata ng mundo sa akin?





Una, si Ivana na nakapagpatunay sa akin na may nagmamahal sa akin. Tapos ngayon, si Lolo?





Sobrang sama ko na ba para maranasan ko 'to?






"L-Lolo... Lo... don't.. d-don't leave me, please, Lolo..." wala na akong pakealam kung magmukha na akong kaawa awa sa kakahagulgol. Niyakap ko ang katawan ni Lolo na puno ng dugo ang likuran. Halos hindi ko na maidilat ang mga mata ko sa kakahagulgol. "P-Pati ba naman ikaw Lolo iiniwan mo'ko?"






Naramdaman ko ang haplos ni Kian sa likuran ko at bumalik ang pakiramdam, pandinig ko sa pakiramdam na para akong nawalan ng lahat. Nabingi, napipi, nabulag, namanhid, nang dahil sa sakit. Mas lalo akong napahagulgol nang marinig ko ang mga iyak ng mga taong kasama ko rito. Maging ang hagulgol ni Alyssa at ng tatay ko.






"Bitch, you'd be better off following your sister to hell for what you did."






Part Time Celebrity 2  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon