5

445 28 14
                                    

Music din tayo para feel.

~

"K-Kian..."




Nanginginig ang mga labi ko nang banggitin ko ang pangalan niya. Nang walang sumagot ay tinignan ko ang phone at hindi ko namalayan na napatay ko pala ang tawag nang dahil sa pagkabalisa. Ang bilis ng tibok ng puso ko at parang sasabog yon pamaya maya lang. Pinagpapawisan din ang palad ko. Wala na akong nagawa kundi ang humagulgol nalang. Miss na miss ko na siya.





Gusto na kitang makita. Gusto na kitang makasama. Gusto na ulit kitang mahagkan at yakapin. Gusto na kitang makita na kasama mo ang anak natin. Gusto ko na ulit makita  yung mga ngiti mo na sa'kin mo lang pinapakita.




Miss na miss na miss na kita, Kian. Miss ko na yung kakulitan mo. Miss ko na yung kapilyuhan mo. Miss ko na yung amoy mo.






Tangina. Ang sakit lang na kaya mo naman siyang abutin pero parang ang layo-layo na niya sa'kin. Parang may mataas na pader na nakaharang sa aming dalawa.




Gusto ko mang baguhin ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil iba ang nakatakda sa akin. Ang sakit dahil wala akong magawa at natatakot ako.




Natatakot ako na baka hindi na ako.  Natatakot ako na baka may iba nang nagpapasaya sa kaniya at hindi na ako. Natatakot ako na baka may iba nang nagpapangiti sa kaniya at hindi na ako. Natatakot  ako na baka may iba nang yumayakap sa kaniya at hindi na ako. Natatakot  ako na baka iba na pala yung nasa puso niya at hindi na ako.





Alam kong ang selfish ko nang pakinggan pero... tangina, mahal ko eh.




Gusto kong gawin ang lahat para magkasama na ulit kami at maging isang masayang pamilya kami kasama si Adira pero... mukhang malabo na.





After all these things... kasalanan ko pa rin talaga.




Ang lamig na ng boses niya.  Ang daming nagbago sa loob ng limang taon at nakakatakot na baka pag bumalik ako ay hindi na nila ako tanggapin.




May isang bisig na yumakap sa akin kaya mas lalo akong napahagulgol. Binuhos ko ang lahat ng hinanakit ko na itinago ko sa mahabang panahon.




"Quiroz, ang s-sakit..."






Humigpit ang yakap niya sa'kin nang magsalita ako. Puta, ayoko ng kinakaawaan ako eh.






"Hush... iiyak mo lang 'yan sa ngayon. Magpahinga ka muna Chleign. Lahat tayo napapagod. Pahinga muna tapos kapag okay na, lumaban ka na ulit." Bulong niya.




"G-Gusto ko nang bumalik Quiroz. Hindi k-ko na kaya. B-Baka pagbalik ko, wala na ang lahat sa'kin."




"Hindi mangyayari yun, Chleign. Mahal ka nila at hinihintay nila ang pagbabalik mo."






Mas lalo akong napahagulgol. "Gusto ko nang bumalik Quiroz. Tulungan mo'ko."




Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya at ang marahan niyang pagtango. Sumiklab ang saya, takot at lungkot sa puso ko.






Masaya ako dahil makakabalik na ako sa kanila, makakauwi na rin ako sa wakas. Natatakot ako dahil  haharapin ko na ulit ang reyalidad, kung saan dadanak ang dugo at walang katapusan na kasalanan. Paano na si Adira? At lungkot, nalulungkot ako sa naiisip kong baka hindi na nila ulit ako tanggapin bilang ako.




Lalo ka na Kian.  Baka hindi mo na ako tanggapin nang dahil sa mata at sa buong pagkatao ko. Isa akong halimaw.




Naiisip ko palang na hawak ka na ng iba, nadudurog na ako. Paano pa kaya kung nagkatotoo? 'Wag naman sana.




Part Time Celebrity 2  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon