4

450 25 3
                                    

VIPER



"Via, ano nang balak?" Bulong ko.




Medyo lumapit pa siya sa'kin at bumulong din nang hindi inaalis sa harapanan ang paningin. Nandito kasi kami ngayon sa loob ng conference room kung saan nasa harapan si Kian habang katabi yung malanding Madison.





"Cheesecake's Café, 15 sharp." Bulong niya at bumalik sa ayos ng upo.





Tinuon ko nalang ang paningin ko sa harapan at pilit na pinapakinggan yung mga sinasabi ni Kian. Siya na ngayon yung naghahandle sa buong Kumpanya kasama ang mga Suarez mula nung nalaman nila ang patungkol kay Chleign.





Actually, na-trauma ako doon dahil nakita ko gamit ang dalawa kong mga mata kung paano tumalon si Chleign mula sa tulay pabagsak sa bangin na may ilog sa ilalim.





Si Boss Cheight naman wala dito sa ngayon dahil inaasikaso niya yung sa pagkawala ni Chleign at hindi pa rin sila nawawalan ng pagasa hangga't hindi nila nakikita ang katawan ni Chleign. Mas pinrioritize ni Boss Cheight si Chleign kaysa sa kumpanya. Hay, Lolo's love.




"Dismissed." Anang Kian at nagsitayuan na ang lahat.






Lumapit naman ako kay Jude na matiim na nakatitig ngayon kay Madison na naka kapit sa braso ni Kian na animo'y linta. Sa pagkakaalam ko wala namang sila ah? Yung Madison na 'yon akala mo naman sobrang ganda eh katawan lang naman nagdala. Tsk.




"Kuya Jude." Tawag ko sa kaniya.




"Hm?"




"Sama ka?"




"Saan?" Sabi niya habang hindi inaalis ang paningin sa dalawa.




"Kasama ko si Olivia." Banggit ko. Napatingin naman kaagad siya sa'kin kaya napangisi ako. "Crush mo talaga si Via noh?"





"Ulol. Gusto mong ipakain kita sa tigre?" Masama ang tingin niya sa'kin.




Tumawa naman ako nang mahina at bahagyang umatras. Baka totohanin at mawalan ng gwapo sa mundo.




"Charot lang. Pero sama ka nga?"




Kinunutan niya ako ng noo at ginaya ko naman yun. Kahit kailan talaga ang slow nitong si Hudas.




"Saan nga kasi?" Irita na siya.

Part Time Celebrity 2  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon