11

475 24 3
                                    

"Mommy, I miss Daddy na. When are we going to Spain, Mommy?"







Mula sa laptop ay lumipat ang paningin ko sa kaniya sa couch dito sa opisina ko. Nakahiga siya doon habang nakadagan ang Ipad niya sa tiyan niya habang ang kalahati ng katawan ay halos nasa sahig na.







Kanina pa siya tanong nang tanong kung kailan namin susundan ang ama niya sa Spain. Last week kasi ay bumalik na sa Spain si Kian para asikasuhin ang kumpanya doon. Nasabi ko na rin na maayos na ang pangalan ko at nasa akin na rin ang UG, ang kumpanya nalang ang babawiin ko. 




I am so proud of him dahil nagagawa niyang pagsabayin ang dalawang Company nang walang napapabayaan. Lolo trained him so well at nakita ko na hindi lang siya phisically nag grow. He became strong din mentally and emotionally. That's my man.





Hangga't sa maaari. Ayokong may dumanak na dugo sa pag bawi dahil marami ang madadamay. Wow ha, nakakapanibago noh? Parang dati lang, gustong gusto ko na makakita ng dugo... at voila! Ang dinulot ng salita ng aking lolo.






"Maybe next week, baby."






Isinasama ko na palagi si Adira kahit saan ako magpunta dahil nga takot na siyang magkaroon ulit ng yaya. Si Quiroz naman ay madalang kung umuwi sa Pilipinas kaya ako muna ang naghahandle ng kumpanya niya. Mabuti nalang at natapos ko ang pag aaral ko kahit home school lang. Ang laki pang gastos no'n.






Napatingin ako sa daliri ko kaya nahinto ako sa pagtatype. Hindi ko maiwasang mangiti dahil hindi ko pa rin lubos na maisip na ikakasal na kami. Lahat ng doubts ko noon ay nawala sa isang iglap.







"Mommy, I really miss my gun. Why did Tito Quiroz try to keep it from me, eh?" Wala sa sariling tanong niya.






Ibinaba ko ang kamay ko bago siya tinignan. Mula rito sa desk ko ay kitang kita ko ang mapupula niyang labi na nakanguso at naging bilugan lalo ang pisngi niya. Gusto kong matawa pero for sure, sa ganitong pagkakataon baka magwala lang siya kapag tumawa ako at babarahin niya pa ako.






We're like bestfriends.






"Anak, you're so young pa kase. 4 years old ka palang noh." I tried to convince her, mas lalo siyang napasimangot.






"But, Mommy. I'm turning 5 na kaya sa November."






Awtomatiko tuloy na dumako ang paningin ko sa kalendaryo sa may desk ko. October na at malapit na nga  ang birthday niya nang hindi ko namamalayan. Sa dami kasi ng mga pangyayari hindi ko namamalayan na lumilipas na pala ang panahon. Maski nga birthday ko noon ay nakalimutan ko.







"You're still a kid pa rin." Binalik ko na ang tingin ko sa laptop.





"Hay... mommy always wins." Bulong niya na narinig ko. Tinignan ko siya nang palihim. Kinuha na niya ang ipad niya at naglaro ng piano tiles.







Napailing nalang ako at ibinalik na sa laptop ang tingin ko. Inaayos ko kasi ang mga natatanggap na proposal ng mga ibang kumpanya pero ayon kay Quiroz, ipa-hard copy ko nalang daw at ipadala sa kaniya. Ewan ko ba doon, sinasamantala niya yata yung pagiging Lyza ko.






Part Time Celebrity 2  (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon