Continuation Part 1

154 5 0
                                    

Actually hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang gusto ko lang is maggala.. Kaya una kong ginawa is nag drive thru ako sa Jollibee at bumili ng madaming pagkain! As in madami talaga! habang nagddrive kaen lang ako ng kaen. Nung mapagod ako ngumuya at magdrive napagdesisyunan ko na pumunta sa mall.. Kaya eto naman ako ngayon sa pinaka unang mall na nadaanan ko.. pinark ko yung kotse at pumasok na sa loob..

Nagtititingin lang ako ng damit, sapatos, bag, accesories pati gamit sa bahay at pag may nagustuhan ako bili lang ng bili.. Hanggang sa mapagod ako...

Ang sakit pala sa paa ng heels nato.. kaso bagay sa outfit ko eh kaya tiis ganda ang show!

Ano kaya kung itext ko si Ala? papuntahin ko dito para may kasama naman akong nagliliwaliw..

Kukunin ko na sana cellphone ko sa bag kaso may biglang bumunggo saken..

"Shit! Masakit ha!"

"Ay Miss Sorry.. Let me help you"

"Tumingin ka naman kasi sa dinadaanan mo ayan nahulog tuloy gamit ko" sabi ko nalang tapos yumuko din at nagpupulot ng laman ng bag ko

*psssssskkkk...*

Sheet!

Wrong move dahil pagtuwad ko narinig kong tumunog yung tela ng pants ko na tanda na nasira ito!

Fcvk! Pagminamalas ka nga naman talaga oh! Bigla akong napatayo tapos tinakpan yung likod ng pants ko! Shit talaga!

"Ahm miss.. okay ka lang?" tanong nung nakabunggo saken

"Do i look okay to you ha? " ano ba yan! nababadtrip kasi ko eh!

"Awh.. ahm sorry... Here.." sabi niya saken tapos inabot yung mga pinamili ko saken.. paano ko naman aabutin to kung nakatakip yung kamay ko sa pants ko! waaaah!

"Miss? eto yung mga pinamili mo" tapos inaabot niya nga saken! waaaahhh bahala na pakapalan nato!

"Mister Sorry if i was rude kanina, pero... ano.. ahmm.. can I ask you a favor?" Pakapalan na talaga ng mukha to! Bahala na!

"You see...ahmm.. Ano kasi... Ahh.." Tiningnan ko siya nakatingin lang din siya saken.. Hinihintay yung sasabihin ko..Naman oh! Nakakahiya!

"Ahmm.. Pwede mo ba ako samahan sa ladies room?"

Tapos bigla nanlaki yung mata niya

"Miss sorry, hindi kasi ako ganong tao"

Pakentape naman oh! Napakamalisyosong tao naman nito! Sayang gwapo pa naman! Basta i need him! Bahala na talaga

"Ano... Hindi..haaay! Bahala na! Kailangan lang talaga Kuya samahan mo naman ako please.. Ano kasi eh.. Ahmm.. Ahh yung pants ko.. Ano..." Haaaay! Paano ko ba sasabihin? Waaaah

"Yung pants ko kasi ano..... Ahmm nasira... Kailangan ko pumunta ng ladies room.. Magpapalit lang ako.. Ehh kung tatanggalin ko kasi tong kamay ko sa likod ko baka makita nakakahiya naman diba? So okay lang ba? Samahan mo lang ako papunta and pakidala na din yung pinamili ko if okay lang ha? Tapos if nandun na tayo ill get my things from you tapos you can go.." there nasabi ko na!

"I can go kaagad? Wala man lang kapalit?" Sabi niya saken

Pesteng mama to! Naghanap pa ng kapalit..

"Haha i was just kidding! C'mon para makapagpalit kana.." Sabi niya ulit

Nagliwanag yung mukha ko tapos nginitian ko siya

One Day (Short Story) ~~FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon