Continuation Part 4

85 4 0
                                    

"Waaahhhh sino may gawa nito? Patay ako ke Dad nito eh!"

Ikaw ba naman makikita mong flat lahat ng gulong at puro gasgas then basag pa yung side mirrors!

"Bakit ba ang daming kamalasan nangyayari saken ngayon! Naman eh!" Tapos tinignan ko paikot kung ano pa nangyari sa kotse

*Ringgg... Ringgg... Ringg...*

"Hello?"

Narinig kong sagot ni Ken sa cell niya

"What are you talking about? Wala naman nangyari sa kotse ko ah?" Tapos napatingin siya saken tapos sa kotse ko.. Napatingin naman ako sa kanya

"The hell Alice! Its not my car that you broke and played to!!! I swear you gonna pay for it!!"

Lumapit ako sa kanya..

"Sorry Zy, Alice did that.."

"Ha? Eh pano niya nalamang kotse ko to?"

"No she doesnt know its yours akala niya yan yung kotse ko.. You see pareho kasi tayo.." Tapos tinuro niya yung kotse niya na katapat ng kotse ko..

Pareho nga kulay itim din yung kotse niya...

Parehong pareho except sa plate no. Na may naiba lang ng konti KMZ 234 yung kanya tapos KMZ 243 yung akin..

"Baka akala niya 243 yung akin kaya yang kotse mo yung pinagdiskitahan niya, Im sorry Zy.. Kasalanan ko.." Sabi niya tapos biglang napayuko..

Tinignan ko naman siya tapos hinawakan yung kamay niya..

"Hindi mo kasalanan no! Si Alice nga diba? Ireport nalang natin para mabayaran niya yung damages..okay?" Sabi ko sa kanya tapos nginitian siya..

Ngumiti na din siya tapos kinuha yung mga gamit ko then pinasok sa kotse niya..

"Sa akin ka nalang sumakay, ihahatid nalang kita.. Pabor pa saken yun.." Sabi niya tapos ngumisi

Kaya sumakay nako sa kotse niya wala naman akong choice. Hahaha

Bago kami umalis nung mall eh nireport muna namin dun sa security, nakunan naman ng cctv yung nangyari kaya madali daw maaksyunan yun. Kinuha ko na din yung ibang gamit ko sa kotse kasi iiwan daw yung kotse dun for proof din daw at inspection tatawagan nalang daw kami sa susunod na gagawin..

Kaya ayun.. Gumora na us! Hahaha

"San nga pala kita ihahatid?" Tanong saken ni Ken.. Tapos hinawakan ang kamay ko..

Nandito kami sa kotse niya na parang kotse ko din! Hahaha 

At nasa frontseat ako syempre alangan naman sa likod eh dadalawa lang kami

"Ikaw nawiwili ka sa paghawak ng kamay ko ahh.." Pansin ko sa kanya

"Bakit? Bawal ba? Eh kanina pa nga natin ginagawa to! Hahahaaha" natawa nalang din ako..

Oo nga naman ngayon paba papansinin eh kanina pa mga naman! Utak Zy! Hahaha

"Tse! Sa may Ortigas sa Skyline Towers" sabi ko sa kanya..

"Dun ka nakatira?" Parang gulat na gulat niyang tanong

"Ay hindi! Sa gilid non.." Sabi ko

"Ha? Eh wala namang katabi yun.. Open space pa.." Sabi naman niya, naniwala naman! Haha

"Oo nga, naka tent lang ako dun! Uso kasi camping ngayon.." Tapos ngnitian ko siya

"Ha?...." Parang napaisip pa siya...

Hahahaha laftrip!

"Ahahahahahahahahahaha"

"Loko ka ah! Napaisip tuloy ako! Adik to!" Biglang sabi ni Ken.. Nagets na siguro..hahahaha

"Adik sayo!" Ooopps? Nadulas! Hahahaa

"Bumabanat pa!" Asar niya.

"Naniwala ka naman?" Mataray kong sagot..tapos bigla siyang sumeryoso at tumahimik..

"Ito naman! Hahaha tampo pa! Pbb teens? Hahaha" kanchaw ko, nangiti nalang siya tapos kinurot ilong ko..

"Aray naman Ken! Wag my nose baka tumabingi! Mahal yan!"

"Lul! Matangos talaga ilong mo! Mahal ka jan! Trip mo ko eh no?" Sabi niya saken..

Teka? Bakit parang sigurado siyang matangos talaga ilong ko? Hahaha sabagay kung noselift to labong mahawakan niya! Hahaha

"Yes! Trip kita! Tara trip tayo!" Sabi ko nalang tapos tumawa..

Para talaga kaming sira.. I never imagine myself na magiging ganito kasaya after nung nangyari saken nung mga nakaraang araw.

I like Ken.. Yun pa siguro masasabi ko ngayon. Ngayon palang din kasi kami nagkakilala.. Pero super gaang ng loob ko sa kanya, alam niyo yun? Yung parang magkakilala na kami noon.. Siguro asawa ko siya nung past life ko! Hahahaha

After 10 mins nandito na kami sa condo.. Nilabas niya na mga gamit ko, sabi ko akyat muna siya makapagpahinga sandali.

"Aakyat naman talaga ko kahit di mo sabihin" Napatingin ako sa kanya tapos ngumiti

"Syempre ihahatid kita, madami kang dala oh.. Ayokong mahirapan ka..hahaha" dagdag pa niya

At tumuloy na kami sa elevator..

"Anong floor ka?" Tanong saken ni Ken pagkasakay ng elevator

"21st" sagot ko..

Nakatingin lang siya saken.. Tapos ngumiti bigla at pinindot yung 21 na button..

"Bakit ka nakangiti jan? Para kang ano ah! May binabalak ka sigurong masama!" Sabi ko sa kanya..nakakaloko lang? Hahaha Eh ano naman kung may balak siyang masama? Sige okay lang!hahaha

"Oy wala ah! Makapambintang ka talaga eh noh!" Depensa niya agad sa sarili niya.. Sayang naman! Wala pala..hahaha

Tapos tahimik na nameng hinihintay na mag 21 floor..

Swerte naman at walang ibang sakay.. Kami lang talaga.. At ang nakakabinging katahimikan! Haha

Nung nasa 20th floor na umayos nako ng tayo..

*Boogsh!*

"Hala???"

One Day (Short Story) ~~FinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon