Kabanata 8

131 28 73
                                    

Kabanata 8

"Ate!" nasasabik na tawag sa akin ni Atlas mula sa kanilang terasa.

Dali-dali itong bumaba sa hagdan nang matanaw ang pagpasok ko sa mataas nilang tarangkahan. Halos araw-araw ay nandito ako. Nakikipaglaro sa kalapit na bahay.

Malapad ang ngiti kong kumakaway sa kaniya. Sabi niya ay pumunta ako rito dahil tutulungan ko raw siyang magkulay ng mga bagong bili niyang coloring book. Hindi niya naman maaasahan ang kuya niyang si Silas sa mga ganito kaya ganoon na lang ang tuwa niya sa tuwing pumupunta ako rito. Naglakad ako para salubungin siya.

Hindi pa man nakakalapit ay natigilan ako at napawi ang ngiti sa nakita. Napaatras ako nang matanaw ang isang blue-eyed Birman cat sa kanilang garahe. Nanindig ang balahibo ko sa diretsong tingin nito sa akin. I have an intense fear of cats. Their fur, teeth and paws make me associate them with evil.

Kailan pa sila nagkaroon ng pusa? Hindi naman sila mahilig mag-alaga kaya bakit mayroong ganito rito?

Isang matinis na tili ang pinakawalan ko nang mabilis itong tumakbo para salubungin ako. Dahil sa adrenaline rush ay tumakbo ako sa kanilang hardin at sumampa sa isang round table na naroon. Mabilis ang tibok ng puso kong dali-daling umakyat dito.

"Atlas! Ilayo mo 'yan! Ilayo mo!" naghuhuramentado kong sigaw habang nangangatog ang tuhod na nakatayo na sa taas nito.

Lito lamang si Atlas na nagpabalik-balik ng tingin. Hindi alam kung paano kukunin ang pusang palapit na ng palapit sa akin.

Isang impit na sigaw ang muling umalingawngaw nang tuluyan na itong nakalapit sa baba. Kumalabog ang dibdib ko nang sinusubukan nitong tumalon. Alam kong kaya nitong talunin ang kinatatayuan ko ngayon. Kung bababa ako ay mabilis niya rin akong masusunggaban. Pakiramdam ko ay wala na akong kawala. Nanginginig sa takot kong ipinikit na lamang ang mga mata. Tinatanggap ang mapait na kapalaran.

Ilang sandali ang nakalipas ay wala akong naramdaman sa aking paanan. Unti-unti kong binuksan ang isang mata ko. Nag-aalinlangan sa maaring tumambad sa akin.

Naaninag ko ang isang batang lalaking nakaupo. Mukhang kaedad ni Silas. Hawak-hawak na niya ang pusa. Hinahaplos at pinapakalma ito sa pag-atake.

Bumuntong hininga ako at tuluyan nang binuksan ang dalawang mga mata ko.

"Bad, Blu. You stop being aggresive or I'll bind you and will not let you roam around anymore?" pagbabanta nito rito.

Narinig ko ang biglaang huni ng pusa sa sinabi niya. Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan.

The boy chuckled. "You don't want that? Then, behave," anito na para bang tinanggap ang huni na iyon bilang pagtutol nito sa sinabi niya.

Tumingala ang batang lalaki sa akin. Tumayo siya karga ang pusang mukhang siya ang may alaga.

"You can go down now. Blu will not harm you, anyway. She's just like that especially to those she doesn't know," pagpapaliwanag nito sa akin sa inasta ng kaniyang pusa.

Sa naghuhuramentadong puso ay tumango ako. Sa wakas ay nakahinga na rin ng maluwag. Umupo ako at umambang bumaba nang lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay. Lumayo ako sa kaniya dahil hawak niya pa rin ang pusa. Bumaba akong hindi tinanggap ang kamay niya.

"Autumn!" nag-aalalang tawag ni Silas ang natanaw kong palapit dito. Kasama nito ang kapatid na si Atlas.

Mukhang tinawag siya ni Atlas para tulungan ako. Sumulyap siya sa pusang karga na ng batang hindi ko kilala.

On the 29th of April (Months of Torment Series #1)Where stories live. Discover now