Kabanata 6

105 30 51
                                    

Kabanata 6

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha mula sa bintana. Napagulantang ako sa pagbangon nang maalala.

Panaginip lang ba 'yon?

Isinayaw ako ni Herus kagabi. Nandoon siya. Bumalik na siya.

Pagkatapos ng pagsayaw sa akin ay nagputoy ang programa sa gabing iyon. Ipinakilala ako ni Silas kay Herus para ipaalala ito sa akin. Naeestatwa lamang akong napatitig sa kaniya. Malaki ang ipinagbago niya. Mas lalo siyang kumisig at tumangkad pa.

Isinantabi ko ang pag-iisip at tumayo na. Ginawa ko ang aking usual morning routine.

Nakaupo ako sa silya habang nagtitimpla ng kape nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pinto dahil sa marahas na pagkatok.

"Autumn! Autumn! Buksan mo! Bilis!" naghihisteryang sigaw ni Charlotte mula sa labas.

Napabalikwas ako sa pagtayo. Dali-dali akong nagtungo sa sala para buksan ang pinto.

"Bakit? Bakit? Anong nangyari?" kinakabahan kong tanong dahil sa kinikilos niya.

"Released na ang result ng UPCAT! Buksan mo na 'yung site dali!" tuloy-tuloy na sigaw ni Charlotte at dali daling pumasok at umupo. Dala niya ang kaniyang laptop at nagsimulang magpipindot doon.

"Ha?! Ano? Ang aga naman!" gulantang kong sambit habang hinahanap ang cellphone ko. Nang makita ay mabilis akong nagtungo sa site nito.

Huminga ako ng malalim. Gustong gusto kong makapasa rito. Pangarap kong makapag-aral sa malaking unibersidad na ito.

Sa nanginginig na kamay ay pinindot ko ang resulta.

Hello, Autumn Nevaeh.

CONGRATULATIONS!

Thank you for your participation in the UPCAT held in October last year with more than 100,000 applicants. We would like to inform you that your application has complied with requirements for entry to the University of the Philippines.

We are pleased to offer you admission as a Freshman to the following:

UP DILIMAN, BS ACCOUNTANCY (4.5 YRS)

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Marami pa ang nakasulat ngunit hindi ko na binasa pa nang malaman ang resulta.

"OMG! OMG! Is it real?! Nakapasa ako!" tuwang tuwang ani ni Charlotte habang tumatalon talon.

Hindi ako agad gumalaw. Nanatili lamang akong naeestatwa.

"Huy! Ano? Nakapasa ka ba?" nag-aalalang tanong niya nang mapansin na wala akong reaksyon. Hinablot niya sa akin ang cellphone.

Nang nabasa ito ay nalaglag ang panga niya. Gulat siyang napatitig sa akin ganon din ako sa kaniya.

Umalingawngaw ang nakakabinging tili namin dahil sa tuwa.

Namamangha naming inililibot ang mga mata sa paligid ng malaking Unibersidad ng Pilipinas. Kanina pa kami andito ni Charlotte sa tapat ng Oblation.

Mabilis na nagdaan ang buwan. Agosto na ngayon at unang araw ng klase namin sa kolehiyo. Noong nakaraang linggo kami dumating dito sa Maynila dahil dumalo pa kami sa orientation ng mga Freshman. Dito na kami mag-aaral kaya nagrenta na kami ng apartment.

Sinagot lahat ni Governor ang mga pangangailangan ko. Siya ang magpapaaral sa akin. My brain became my entrance fee in this prestigious university. Hindi ko sasayangin ang mga oportunidad na ito para sa akin.

"Babylove come with me na kasi! You're so choosy! 'Pag ako napagod mamimiss mo rin!" maarteng pagmamaktol ni Kennedy ang nagpalingon sa amin patungo roon.

On the 29th of April (Months of Torment Series #1)Where stories live. Discover now