Kabanata 5

121 32 102
                                    

Kabanata 5

Nakayuko akong nakikinig sa tuloy-tuloy niyang pagsasalita sa harap na lumalabas lamang sa aking kabilang tainga. My nape hurts but the situation urged me to do it. Hindi ko kayang sumulyap man lamang sa banda niya. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa tuwing naaalala kung paano ko siya trinato kanina.

Perpektong nakayakap sa kaniyang katawan ang suot niyang puting longsleeve na nakatupi hanggang siko. Tila mas nababagay siya sa pagmomodelo kesa ang magturo sa loob ng silid-aralang ito.

Aniya ay bago lamang siya dahilan kung bakit hindi siya nakauniporme at ito ang suot niya. Sa dami ng sinabi niya ay ito lamang ang naintindihan ko.

"Huy!"

Umahon ako sa malalim na pag-iisip dahil sa pitik ng daliri ni Aurelie.

Inangat ko ang kanina pang nangangalay na leeg ko. Tumambad sa akin ang mga mata ng lahat ng taong andito. Tutok na tutok sila sa akin. Tila ba hinihintay ang gagawing aksyon ko.

"Kanina pa 'ko tapos magpakilala. Ikaw na. Ano ka ba?" sambit ni Aurelie na tila ba isa akong palaisipan sa kaniya.

"A-a-ah g-ganon ba?" nauutal kong tugon habang hinahagilap kung ano ang dapat kong gawin.

Marahan akong tumayo. Sa hindi komportableng kilos ay iginala ko ang mga mata ko. Nahagip nito ang nakahalukipkip na gurong naghihintay sa sasabihin ko.

"I-im Autumn Neva--" Nagsisimula pa lang ako ay naputol na ito.

"Filipino ang asignaturang ito. Magtagalog ka, Binibini," tila nanghahamong wika nito.

Nakakainis!

Bumuntong hininga ako. Pinapakalma ang naghuhuramentado kong puso.

"Ako po si Autumn Nevaeh Frontera. Labing apat na taong gulang," sa wakas ay diretso kong nasabi.

Nanatili lamang akong nakatayo. Sinulyapan ko ang nasa harapan. Kunot-noo lamang itong nakatingin sa akin. Para bang hindi kuntento sa pagpapakilala ko.

"Yun lang? Magsabi ka tungkol sa'yong sarili," seryosong sambit nito.

Ano pang sasabihin ko? Hindi ko na dinugtungan 'yon ng address dahil wala naman akong permanenteng tirahan. Baka bukas makalawa'y hindi rin ako magtagal doon. Isa pa ay wala namang espesyal sa akin. Bakit hindi na lang siya makuntento roon?

"Yun lang po. Wala na po akong maidaragdag," sambit ko.

Nagtaas siya ng kilay. Namamangha sa naging sagot ko. Umupo na ako. Nakangisi lamang itong tumango.

Ilang minuto ang nakalipas ay umalis na rin ito na nagpahinga sa akin ng maluwag.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Lutang ka girl?" kyuryoso na namang tanong sa akin ni Aurelie.

Tinagilid ko ang ulo ko sa magkabilang gilid. Nag-iinat ako mula sa mahabang pagkakayuko kanina. Sinulyapan ko na lamang siya at hindi na sinagot pa.

Mabilis ang naging oras sa araw na ito. Unang araw ng eskwela kaya halos puro lamang pagpapakilala. Mula break time hanggang lunch time ay iniiwasan kong magkaroon ng interaksyon sa lalaking nakasalamuha ko kanina. Paminsan-minsan ay natatanaw ko siya. Agad naman akong nag-iiba ng direksyon para hindi niya ako makita.

Naglalakad ako sa open field suot ang bag at bitbit ang ilang libro. Nadagdagan pa ito kanina. Si Aurelie ay nakauwi na. Sinundo ng Papa niya. Tumanggi ako sa alok nitong paghatid na rin sa akin. Maglalakad na lang ako dahil malapit lang naman. Kaya heto ako mag-isa.

On the 29th of April (Months of Torment Series #1)Where stories live. Discover now