Simula

361 46 135
                                    

Simula

Nakapangalumbaba kong tinatanaw ang dagat habang hinahayaang maglakbay ang isipan sa mga bagay na hanggang ngayo'y wala pa ring kasagutan.

May dulo kaya ang dagat? Bakit base sa nakikita ng mga mata'y kita mo na ang hangganan pero hindi pa naman talaga doon nagtatapos ang pag-agos ng mga alon nito?

Tila karerang nagpapaligsahan kung sino ang mas mabilis. Sino ang mauunang makarating sa kadulu-duluhan. Ngunit darating at darating ang malakas na bagyo. Huhubugin nito ang alon hanggang sa maging bihasa ito. Hindi diretso ang pag-agos. Madalas ay nagiging pasulong. Pero ayos lang. Sa huli, mapapagod rin sa pagsayaw ang hangin.

Galing sa marahang pagtingala ay napapikit ako. Sa mga oras na ito'y nasagot ko ang mga tanong ko. Hindi sa siyentipikong paraan ngunit sa mas malalalim na kahulugan.

Ito. Ito ang kalakaran ng mundo. Dito umiikot ang buhay ng bawat tao.

"Autumn!" hinihingal na sigaw ni Rowan palapit sa akin. Isa sa mga kabanda ko.

Napadilat ako at nilingon siya.

"Sorry, susunod na ako." Tumayo ako at pinatay ang telepono.

"Bilisan mo. Magsisimula na," sambit niya.

Tumango ako. Agad rin siyang tumalikod at naglakad pabalik doon.

Tumawag kanina ang kapatid kong si Kennedy. Nilalamon ng maingay na musika ang bar at hindi kami magkarinigan kaya lumabas ako.

"Hey! I've been calling you the whole day. What's taking you so long to answer my call hmm?" maarte niyang sambit sa kabilang linya.

Umirap ako sa kawalan.

"Busy lang.. What is it Kennedy?" tamad kong sagot. Alam ko kung saan na naman patungo ang usapan naming ito.

She wouldn't call because she missed me but to piss me off. I don't mind anyways. I'm used to it.

Pahisteriya siyang tumawa. "Preparing for tomorrow's double celebration--oh." Natigilan siya. "Or maybe triple, I guess? Which one excites you?" may panunuya niyang sambit, binalewala ang tanong ko.

Hindi ako sumagot. I can even imagine her face full sated for insulting me mercilessly.

"By the way, kasama mo ba si Silas?" she said, suddenly changing the topic.

Napangiti ako sa kawalan kasabay ng pagyakap ng malamig na hangin galing sa karagatan. Iniyakap ko ang kaliwang braso sa kanang hawak ang telepono at ikinuskos ang palad sa gilid nito upang pawiin ang lamig na aking nararamdaman.

The only person who'll console me when I've fallen down, Silas . Hindi ko man alam kung bakit ganito na lang kadaya ang mundo pagdating sa akin, nagpapasalamat pa rin ako at binigay siya sa akin ng langit. He's like a flat iron removing my creases everytime my life gets crumpled. Natawa na lang ako sa mga naiisip ko. Kung naririnig man nito ang mga papuri ko sa kaniya'y baka nagpapanting na ang tainga niya sa sobrang pagmamalaki.

"Hindi. He's in Manila, Kennedy," sagot ko.

"No! He's there. Sabi niya ay pupuntahan ka niya," aniya na agad ko namang ikinagulat.

Nandito siya? It's not that I don't want him to be here. Akala ko'y masyado siyang busy sa pag-aaral ng kolehiyo sa Maynila at hindi niya na uunahin pang bisitahin ako rito. May pasok sila habang ako'y kagagraduate lamang ng senior high school at bakasyon na namin.

"Is that so? Baka mamaya'y magkikita rin kami," sabi ko, hinihintay ang pabor na namang hihingiin niya.

"Tell him to answer my calls! That bastard! Kapag nakahanap ako ng iba ay magsisisi siya!" she frustratedly said.

On the 29th of April (Months of Torment Series #1)Where stories live. Discover now