Kabanata 2

135 38 82
                                    

Kabanata 2

"Look what you did!" nandudurong sigaw sa akin ni Tita Madelyn.

Nakaupo kami sa waiting area ng ospital kung saan itinakbo si Donya Deborah kanina. Sa ngayon ay maayos na ang lagay niya ngunit kailangan pang suriin. Nasa labas si Silas dahil may sinagot na tawag.

Napayuko ako sa kanina pang paninisi nito sa akin. Nasasaktan man ako ngunit hindi ko kayang magalit dahil natural lang na ganito ang magiging reaksyon nila. Para ko na rin silang trinaydor dahil sa naging pahayag ko.

"You almost killed mama!" aniya at tinapunan ako ng matalim na tingin.

"What's new, ma? Kaya nga tayo nasa korte kanina dahil nakapa--" dagdag ni Kennedy na agad ding naputol.

"Enough," ani Governor at agad tumayo.

Sinulyapan niya ako at naramdaman kong maging siya ay disappointed sa akin.

Pumasok ito sa silid kung nasaan si Donya Deborah na sinundan naman ni Tita Madelyn.

Tumayo si Kennedy. Umirap ito sa akin bago nagmartsa papasok doon.

I heaved a sigh.

Akala ko sa unang pagkakaton ay makagagawa na ako ng tama, ngunit madalas, ang tingin kong tamang desisyon ay mali para sa iba. Kaya bakit ko pa isasaalang-alang ang sasabihin nila? They're going to judge me no matter what I do.

Hindi ko alam kung anong plano ng langit kung bakit hindi hinayaang matuloy ito. Bakit pinapatagal pa kung doon din naman ang tungo?

"Hey!" Napatalon ako sa pagdating ni Silas.

Naramdaman ko ang bahagya niyang pag-upo sa aking tabi.

"O bakit?" nakatitig nitong tanong sa akin, sinusuri ang ekspresyon ko.

Bumuntong hininga ako. "Mali ba 'yung ginawa ko?" Tiningala ko siya, nanghihingi ng opinyon sa kaniya.

Malungkot niya akong tinitigan at iniiwas ang tingin sa akin.

Pinagpahinga niya ang braso sa kaniyang mga hita at huminga ng malalim.

Siguro ay ayaw din nito ang ginawa ko. Alam kong alam niya ang tumatakbo sa isip ko sa testimonya kong iyon. I understand, anyway.

"Gusto mo bang makulong?" ani nito na hindi ako nililingon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sa totoo lang ay walang gustong magkulong. Marami ang nagpapasakop sa pera at kapangyarihan kaya't nagagawa nilang dayain ang hustisya. Ang ilan ay nagagawa pa ngang tumakas para lang maging malaya. Hindi dahil ginawa ko iyon ay ginusto ko na ito. Ginawa lang ito dahil iyon ang alam kong tama.

Nag-iisip ako ng mga tamang salitang sasabihin sa kaniya nang agad ding nagbago ang ekspresyon niya.

"Di bale na. 'Wag na nating isipin 'yan. Birthday mo dapat masaya ka." Nakangiti itong lumingon sa akin.

Tumayo siya at hinila ako sa palapulsuhan.

"T-teka sa'n tayo pupunta?" tanong kong pinipigilan ang paghila niya sa akin ngunit sa huli'y napapasama rin dahil sa lakas niya.

"Ano bang ginagawa pag birthday? Edi nagcecelebrate!" sarkastiko nitong sagot. Umirap pa ito. Bading! Nakapamulsa ang isang kamay niya habang ang isa'y patuloy akong hinihila.

"Hoy! Hindi pa ako nakapagpaalam! Ako 'tong dahilan kung bakit sila nandito tapos aalis agad ako?" tuloy-tuloy kong katwiran para bitawan niya ako.

"Nakapagpaalam na ako kay Gob kanina. Halika na," rason niya habang palabas na kami ng ospital.

On the 29th of April (Months of Torment Series #1)Where stories live. Discover now