Kabanata 8

8 0 0
                                    

"Hi mama. Hi papa. Pasensya na po kung ngayon lang po ulet ako nakadalaw sa inyo."

Pinunasan ko ang kanilang puntod at inalis ang mga dahong nagbagsakan galing sa malapit na puno.

Araw ng sabado at nandito ako sa puntod nila mama't papa. Isang taon bago ko muli silang nabisita. Hindi tulad noon na halos buwan buwan ay pinipilit ko talagang makapunta dito,hindi man si tito addy ang kasama ko minsan ay si tita betty naman.

Makulimlim ang kalangitan at medyo malakas ang hangin na animo'y may paparating na bagyo.

Nag iisa lamang akong nakarating sa puntod nila mama sapagkat may biglaang shooting daw si tito kasama si tita betty. Susunod na lamang daw sila. 

Umupo ako sa damuhan katabi ng puntod nila at inayos ang dala kong kandila.

"Kamusta na po kayo ni papa dyan, ma? Wag na po kayong mag alala sa akin kase maayos naman po ako. Mabait naman po sa akin si tito. Madalas tutok sya sa trabaho pero palagi naman nya po akong kinakamusta... Ma. Pa. Malapit na po akong makatapos sa kolehiyo. Papa, malapit ko na pong matupad ang pangarap nyo po. Alam nyo po ba na pangarap din ni tito addy ang pagiging ininhero? Ang sabi ni tito kapag natupad ko daw po ang pangarap ko parang tinupad ko na din ang pangarap nating tatlo. "

Napatingin ako muli sa kalangitan kasabay ng muling pag ihip ng hangin.

"Kaso lang po naguguluhan ako sa mga nangyayare .... Mama... Papa.... Sino po ba kayo? Pati sarili ko parang hindi ko na kilala. Habang dumadaan ang mga taon na wala po kayong dalawa sa tabi ko parang may mga bagay kayong inilihim sa akin? Pero baket po?... Mama,Sino po ang mga antonio?Diba po Gilez ang apelyedo nyo po sa pagkadalaga? Baket po kaylangan ko po silang makilala?Ang dami ko pong gustong tanong sa inyo...haysss.. Pero wala po kayo dito para sagutin yun."

Mama..

 Ano po bang meron sa pamilya nyo po??Nang makilala ko si tito addy halos mabigla ako ng sabihin nya na kapatid ka po nya. He is mysterious.Hindi ko alam ang tumatakbo sa utak nya. 

Ilang oras ang lumipas bago ko naisipang tumayo naghahanda para umalis na.

"Mama...Papa.. Dadalaw po ulet ako sa inyo sa susunod. Alam ko pong lagi ko lang po kayo nasa tabi. Si tito addy nga po pala alam ko pong dadalawin nya po kayo dito. Kaylangan ko na pong umalis. gusto ko po kase makita ang bahay natin dito eh. Ilang buwan po akong hindi nakapunta dito kaya kaylangan ko pong makita ang bahay nating muli. Mahal na mahal ko po kayo ni papa. "

Isinaayos ko muli ang kandila at bulaklak na nilagay ko sa kanilang puntod at tiningnan muli sa huling pagkakataon bago naglakad na paalis. Ngunit hindi pa man nakakalayo , napatigil muli ako sa paglalakad.

"A-anong ginagawa mo dito?" Natigilan ako dahil hindi ko akalain na makikita ko sya sa lugar na ito. Malayo itong lugar na ito upang mapadpad pa sya dito.

"Why? Kung inaakala mong sinusundan kita nagkakamali ka."

"Kung ganun ano ngang ginagawa mo dito?" Nakakunot na ulet ko pa.

" Ano bang ginagawa ng tao sa simenteryo?" Sabi nya at nag inat pa.

tsk. pilosopo. 

"Malay ko ba kung isa ka palang tagalinis dito." Pairap kong sabi.

"Tibay! Sa tingin mo mukha akong tagalinis dito ha?!Malamang nandito ako para dumalaw."

"May kamag anak ka bang nakalibing dito?"Sabi ko sabay tingin sa mga puntod malapit sa kanyang pwesto. Natigilan naman ako ng makita ang isang bulaklak nabagong lagay lamang. 

Capture By You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon