It’s a refreshing day to meet new and familiar face in an early morning. It’s about time para naman tutukan ang sarili sa pag aaral.
Pagkatapos ng nangyare last week nagpatuloy pa ang usapan sa groupchat namin. Aside from that, makakauwi na daw si Venus next next week kaya naman todo plano naman ang ginawa ng mga kaibigan namin.
It was the first day of school and I am now here waiting for my friends. Ayun kase ang usapan naming magkakaibigan dahil pag uusapan daw namin ang pagbabalik ni Venus.
I just remember when we are crying in the hospital. She’s in the ICU and still unconscious that time. It’s hard to see that one of your friends suffering on that bed but you can’t do anything.Naalala ko kung paano ko gisingin sila mama at papa kahit sabihin pa ng doctor na they already dead nung dalhin sila sa hospital. Kaya ganun na lang kasakit saakin na pati kaibigan ko ay kailangang magsuffer ng ganun. But for now she’s still recovering kaya alam kong sasabihin din nila kay Venus ang plano lalo na dahil marami pang bawal sa kanya.
So here I am sitting in one of the bleachers here in the University of South and reading Kimberla Roby’s book while waiting for them. I’m already here at exactly 6am at 7am naman ang start ng class ko kaya may oras pa ako for Venus not a surprise party plans. Ilang minuto pa ang nagdaan bago ko nasulyapan sa di kalayuan si Etoy na papalapit sa aking gawi. Base of their schedules si Etoy at Zowie ang 8am pa ang class pero hindi na kataka taka na mas maaga pa sya kesa sa ibang girls.
“Goodmorning my loves.” Bati nya naman pagkalapit.
“My loves your face.” Napapairap na sabi ko.
“Hahaha ang aga mong magsunget.” Umupo naman sya sa tabi ko. Inilabas ko naman ang cellphone ko para itext ang mga kaibigan kong nagsabi na five in the morning ay nandito na sila. Wala talaga akong maasahan sa kanila kapag usapang oras. Habang ito namang katabi ko ay panay ang nguya.
“Si Zowie nasa gym. Walang kasawaan sa pagpalo ng bola.” SAbi naman nya na panay pa din ang nguya.
Buti na lamang ay busog na ako dahil bago ako umaalis sa bahay ay hindi pwedeng hindi ako kakain lalo na kanina dahil mukhang maagang gumising si tito para lang magluto.
“Natanggap ko nga ang text nya kanina. Siguro mamaya maya andito na yun.” Bago ka kase makapunta ng Cafeteria madadaanan mo muna ang gym building kaya siguro sumulyap pa sya dun.
Naghintay pa ulit pa kame ng ilang minuto hanggang umabot na ng 6:30 ay wala pa din. Kaya tumayo na ako. Hindi ako pwedeng mahuli sa first subject. First day na first day late ako.
“Oh san ka pupunta?” Tanong naman ni Etoy habang patuloy naman sya sa pagkaway sa mga nakakakilala sa kanya lalo na ang mga babae.
😑“Hintayin mo na lang sila baka malate ako sa first subject ko. Alam mo naman yung mga yun late na gumising. Text mo na lang ako.” Sabi ko habang inaayos ang pagkakasabit ng bag ko.
“Himala nagload ka?” Madalas akong walang load kaya nagtataka sya kung baket text ang sinabi ko imbes na magchat na lang sa akin dahil libre naman ang wifi dito sa university.
“Niloadan ako ni tita aalis daw sila ngayon eh kaya tumawag daw ako mamaya sa kanila.” Sabi ko pa.
Habang timitingin sa paligid nagbabakasakaling bago ako umalis ay sya namang pagdating nila.“Sige itetext na lang kita. Babye- oh Hi” hays babaero talaga kaya ganun na lang ang pagngiti at pagbati nya sa mga bumabati sa kanya at sigurado akong pag aalis ko ay may kausap na yang iba.