Kabanata 3

5 1 0
                                    

Nang sumunod na araw, ganun pa din ang naging set up ng araw namin. Wala namang nangyaring bago bukod sa napapaisip ako dahil sa mga pinag uusapan ng mga kaibigan nila tito. Doon ko lang naunawaan na bukod sa mga pangkaraniwang bagay ay hindi ko pa pala ganun kakilala ang dalawa. Napadalas din ang pagpunta ng mga kaibigang modelo.

Ganun na lamang ang tuwa ko na maski sila ay kinaibigan na din ako. Mabilis din naman kaming nagkapalagayan ng loob dahil mababait naman sila.

Araw ng miyerkules ngayon ngunit hindi binuksan ang salon. Dahil sa kadalasang pagpunta ng mga kaibigan nila ay napagkasunduan at napilit nilang mamasyal kasama kame. Nakakatuwa sapagkat pati ako ay isinama nila sa galaan.

Magaan din ang loob ko sa kanila kaya madali rin akong napapayag na sumama na lamang. Ani nila ay minsan lang naman daw kame lalabas kaya sumama na din ako.

"Letsgooo girls!" Excited namang sabi ni ate Alena.

Puting van ang gagamitin naming sasakyan pa puntang syudad.

Simpleng jeans at plain Black shirt ang aking suot samantalang nakatokong naman si tito at pambabaeng damit na floral naman ang suot ni tita Betty.

Hindi naman talaga nagsusuot ng pambabaeng damit ang aking tiyuhin pero nakuha na nya ang lengwahe ni tita Betty at mismong si tita Betty ang naghikayat sa akin na tita adah na lang daw ang itawag ko sa aking tiyuhin.

"Hoy wag kayong tatangging umalis dalawa ha? Iwan nyo na yang salon nyo at magtrabaho sa set. Pero pwede nyo rin namang pagkakitaan yang salon pero hindi kayo ang tatao. Bumalik na kayo sa dati nyong ginagawa dahil pinalayas ko na ang jejemong kalahi ng ahas." Nagsimula ng magmaneho ang driver ng magsalita si ate Alena.

"Naku sis buti naman, ngalay na ang braso ng bakla dahil sa mga alambreng buhok ng mga nagpapaayos sa salon. Eto kaseng si Adrian! Pwede ka namang sumali sa pagenda sa barangayan pero dapat hinay hinay lang. Magmodel ka na lang ulet bakla ako pa magmemake up sayo."

Napabaling naman ako sa sinabi ni tita Betty tungkol sa aking tiyuhin.

"Model ka po?" Gulat na sabi ko. Hindi ko inakala na isa palang modelo si tito.

"Oo raine model yan pero simula ng taguan si-" Hindi na natuloy ni tita Betty ang kanyang sasabihin ng sumabat si tito.

"Manahimik kang bakla ka kung ayaw mong paliparin kita sa labas!!" nakakunot na noong sabi ni tito sabay tingin pa sa akin. Wala siguro sa mood si tito.

Kung jolly type si tita Betty, masyado namang misteryoso si tito. Masyadong seryoso si tito kagaya ni Mama. Mabait ngunit may kaunting pagkasungit.

"Oh easy sis. Ikaw naman kase Bakla Tikom your mouth na pinapaalala mo pa." sabi ni ate Alena.

Napatingin na lamang ako sa labas. Binabagtas na namin ang daan papuntang syudad.

May nadaanan kaming palayan na syang nagpapaalala sa akin ang mga ngiti ni Mama at halakhak ni Papa.

It's been three years when they died but still all the memories of them never leave me. Naghihingalo na sila ngunit ako pa din ang kanilang inaalala.

I've been there when they laugh and smile. I was there and saw how they love each other. And I am there when they died.

Im still hurting like how the cold wind felt in my arms and how the ice melt like a tears fall in my eyes.

Napapunas na lamang ako sa gilid ng aking mata ng mamasa masa iyon.

Nangako akong tutuparin ko ang lahat ng pinapangarap ko at susuklian ng buong puso ang mga tumulong sa akin para lang mabuhay ako.

Napadpad na kame sa mga nagtatayuang mga gusali kaya ganun na lamang ang pagkatitig ko doon.

Capture By You (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon