Alas tres ng hapon ng sunod na dumating ang mga customer sa salon kaya naman double time na ang ginawa namin ni tita Betty.
“Ineng sigurado ka bang marunong kang maggupit? Ang bata mo pa ah?”
Tanong ng customer na pumasok sa salon na magiging unang customer ko para sa araw na ito.
“Wag kang mag alala tita kering keri yan ng anak anakan ko. Di ba halata sa beauty nya?”
Siguro ay galing sa kabilang barangay ang babaeng ito kaya ganun na lamang ang pangangamba yang papangit ang kanyang buhok kung ako ang maggugupit.“Sigurado ka ah? Pero sabagay maganda ka nga.”
Sinimulan ko na ang pagtitream ng kanyang buhok na ayon sa kanyang gusto.“Anong pangalan mo iha?” Biglang tanong ng aking customer.
“Abarrane po.”
Hindi ako pala daldal na tao kaya ganun na lamang ang aking hiya kung makakaramdam ng pagka- awkward sa iba.“Alam mo kase iha galing ako sa kabilang barangay, yung dati kong pinupuntahang salon kase ay may nakaalitan akong plastic kaya naghanap ako ng iba. Mukha namang maayos dito sa salon na ito. At yung kasama mong bakla ay naririnig ko na isa palang artista noon. At sya nga pala nagtatrabaho ako sa isang modeling Agency. Baka interesado ka?”
Pagkukwento nya naman.Tama ang kanyang sinabi. Ganun din kase ang nabanggit sa akin ni tita Betty kaya ganun na lamang ang pagpupumilit nyang mag artista o modelo ako.
Ngunit parang kanina lamang ay ganun ang pinag uusapan naming ni tita, ngayon naman ay may nag aalok na.
“Pasensya napo ma’am hindi po kase ako sumasali sa ganyan. Hehehe.”
Hindi naman sa ayaw kong maging modelo ngunit bukod sa mahiyain ako, wala din akong talent sa ganyang bagay. Okay na ako sa tahimik habang gumagawa ako ng mga plates ko lalo na’t mas pangarap ko ang maging ininhero kagaya ni Papa.Lumipas na ang oras at nakaalis na si Ma’am Cynthia na isa palang manager ng modeling agency, marami na ring nagsunurang customer para magpagupit ngunit hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang tungkol sa sinabi ni Ma’am .
Ayon sa kanya pwede ko daw gawing extra ang pagmomodelo kasabay ng aking pag aaral.
Madami pa siyang sinabi ngunit isa lamang ang nakatatak sa aking isipan at iyon ay makakatulong sa akin pati na kila tita.Ngunit paano ako magiging modelo kunggayong hindi naman ako bihasa sa ganung bagay?
Kinagabihan na ng magsara kame ni tita. Sa likod ng salon na ito ang siyang bahay namin. Kameng tatlo nina tita Betty at tita adah ang nakatira sa di gaanong maliit na bahay na saktong sakto lamang para sa aming tatlo.
May tatlong kwarto, sa kanan ay ang kwarto ni tita Betty, sa kaliwa naman ay ang kwarto ni tita Adah at ang sagitna naman ay ang aking kwarto.
Matagal ng magkaibigan ang aking tito at si tita Betty. Bago pa man ako dumating sa lugar na ito ay magkasama na sila sa bahay na ito. Sa katunayan nga ay magkahating ipinundar nila tita ang salon na iyon.
Pagkatapos maghapunan ay dumaretso na si tita sa kanyang kwarto upang magpahinga. Ganun din ang aking ginawa ngunit lumipas na ang ilang minuto ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok.
Kamusta na kaya abg aking tiyuhin? Alam kong gusto nyang sumasali sa mga pageant ngunit alam kong napapagod na din sya. Halos ayun ang dahilan kung baket ako nakakapag aral.
May kalahati sa akin na gusting tanggapin nalamang ang inaalok ni ma’am Cynthia ngunit yung kalahating iyon ay hindi pa rin sigurado.
At ang natitirang namang kalahati sa aking isipan ay maghahanap na lamang ako ng iba pang trabaho para makapagpahinga naman ang aking tiyuhin.