Sabi nila, 'kapag mahal mo ang isang tao hindi ka dapat kaagad sumusuko.' at ayun yung pinaniwalaan ko sa loob ng mahigit dalawang taon.Pero sabi naman ng iba, 'kung mahal mo yung taong iyon, dapat handa kang pakawalan siya.'
Hindi ako naniwala sa sinabi nilang 'yan. Kasi bakit mo papakawalan yung isang tao kung mahal mo naman? E'di balewala rin yung pagmamahal mo sa kanya kung papakawalan mo yung taong 'yon.
Sa loob ng dalawang tao't limang buwang pagsasama namin ng boyfriend ko, hindi mawawala ang hindi pagkakaintindihan, yung away, tampuhan. Pero hindi naman namin 'yun pinapatagal na aabot sa puntong susuko kami sa isa't isa.
Kapag napapagod siya, ang sinasabi ko lang, "If you're tired, then get a rest. I'm willing to wait until you become okay." Handa naman talaga akong hintayin siya eh.
Hindi naman porket kung sino yung lalaki, siya lang yung may kayang maghintay. Diba nga, kung ano yung kayang gawin ng lalaki, kaya ding gawin ng mga babae.
“Ayoko na, Jewel. Let's stop this. Pagod na ko sa kung anong meron tayo, pagod na ko sa lahat.”
Sa mga panahon na 'yun, madalas na siyang mapagod sa relasyon namin. Minsan oo, sumusuko siya.
Ako? Siguro, oo napapagod din ako, pero bilang pa lang sa isang kamay kung ilang beses akong sumuko sa'min.
Naalala ko yung sinabi sa'kin ng kaibigan ko, "Kapag mahal mo, ipaglalaban mo."
Pero naisip ko, pa'no kung wala ng pag-asa yung laban na 'yun, patuloy ka pa rin bang lalaban? Kahit alam mo na sa dulo, talo ka din naman?
Kailangan kasi sa isang laban, alam mo dapat kung may karapatan ka pa bang lumaban. Huwag yung susugod ka, lalaban ka, pero sa huli ikaw na lang pala mag-isa.
Wala namang masama na lumaban mag-isa. Kasi minsan, may mga laban tayong hindi naman nalalaman ng iba. Yung tipong hindi natin ipapaalam sa kanila kasi ayaw nating pati sila madamay sa laban na 'yun.
Wala ding masama kung sumuko ka sa laban.
"I will now let you go. Be happy without me, okay? Find someone who is better than me."
Ilang taon yung lumipas, wala na tayong komunikasyon sa isa't isa. Pero kahit anong gawin ko, wala pa ring nagbago. Ikaw pa din yung gusto at mahal ko.
Masaya ako kasi nakikita ko sa mga posts sa timeline mo na with honors ka, at ggraduate ka na soon!!
Naisip kong pumunta sa graduation mo para man lang matupad ko yung pangako natin sa isa't isa. Kahit wala na yung tinatawag na TAYO sa'ting dalawa.
Wala akong lakas ng loob para magpakita sa'yo. Kaya pinahatid ko na lang sa kaibigan mo yung regalo kasama na yung letter ko.
Nakita kong binasa mo kaagad yung sulat pagkabigay ng kaibigan mo sa'yo.
"Congratulations Liam! Naabot mo na yung pangarap mo! I'm sorry, I won't be there. Kahit inimbita ako nila tita, pinili ko na lang din na hindi pumunta. But I just want you to know, that I'm very very very proud of you. You've come this far, even without me by your side. I guess it's a real goodbye for now. I wish you all the best! Take care always. :)"
Nung iginala mo yung paningin mo para hanapin ako, natiyak kong natapos mo nang basahin yung sulat ko sa'yo. Sa pagkakataon na yun, napaiyak na naman kita. Pero 'wag kang mag-alala, huling beses na 'yon. Tumalikod na ako at umalis dahil may flight pa ako.
You've become a better person without me. You became successful without me in your life. But I won't regret it, because in this life, the best part is that I chose to let you go.
BINABASA MO ANG
ONE SHOT STORIES
RandomA compilation of my one shot stories. The stories are pure fictional. Enjoy Reading :)