SIYAM NA GABI

43 9 1
                                    

Sa loob ng siyam na gabi ng Misa de Gallo, nakagawian ko na ang humiling pagkatapos ng misa.

----------------------------------------------------------------------

Unang gabi:

"Lord, sana po tumagal pa po kami ni Benjamin. Salamat po kasi binigyan niyo po ako ng pagkakataon na magkasama siya sa simbang gabi ngayon at nung nakaraang taon."

----------------------------------------------------------------------

Pangalawang gabi:

"Lord, sana po maging masaya po kaming dalawa na magkasama. Na kahit minsan po mayroon kaming hindi pagkakainindihan, sana po maayos pa din namin, katulad ng ginagawa namin madalas."

----------------------------------------------------------------------

Pangatlong gabi:

"Lord, sana makasama ko pa po siya ng mas matagal pa. Sana din po maging masaya kami sa piling ng isa't isa. Wala po sanang hahadlang o sisira samin."

----------------------------------------------------------------------

Pang-apat na gabi:

"Sana po ma-enjoy namin yung natitirang araw para sa simbang gabi! Ma-try po sana namin yung bibingka at puto-bumbong nina Aling Doray sa pagtawid ng kalsada."

----------------------------------------------------------------------

Pang-limang gabi:

"Lord, sana po sa mga susunod na taon, makapag-simbang gabi pa din po kami. Magawa pa din po sana namin tong dalawa."

----------------------------------------------------------------------

Pang-anim na gabi:

"Kayo na po bahala sa kakahinatnan ng relasyon namin, Lord. Di niyo naman po kami bibigyan ng problema na hindi namin kayang solusyonan diba?"

----------------------------------------------------------------------

Pang-pitong gabi:

"Lord, malapit na po yung Pasko.. Sana po magkaayos na po kami ni Benjamin. Ilang araw na lang din po makukumpleto na din po namin yung siyam na gabi."

----------------------------------------------------------------------

Pang-walong gabi:

"Lord, kung hindi man po kami para sa isa't isa, sana po maging masaya siya sa piling ng iba. Ingatan niyo po siya ah! Huwag niyo po hayaan na masaktan siya ulit. Mahal na mahal ko po iyon."

----------------------------------------------------------------------

Pang-siyam na gabi:

"Ngayon na po yung huling simbang gabi!! Grabe ang saya po sa pakiramdam na nakumpleto namin ni Benjamin yung simbang gabi ng magkasama.. Hindi nga lang po kami magkalapit at magkatabi. Salamat po kasi binigyan niyo po ako ng pagkakataon na makilala siya. Pagkakataon na mahalin namin ang isa't isa..

Hindi man po kami yung para sa isa't isa, sana po maging masaya na siya kahit wala ako sa tabi niya. Sana po kahit hindi na po kami magkatabi sa upuan, sana po makumpleto pa din namin yung mga simbang gabi sa mga susunod pa na mga taon. Magiging masaya naman po siya sa piling niya diba? Magiging masaya na lang din po ako, kasi nagsabi po ako sakanya, na kung saan siya masaya, masaya na din po ako eh. Bantayan niyo na lang din po silang dalawa, para di na po ulit nila masaktan yung isa't isa. Sana po tumagal po sila. Siya.. Tsaka yung ex niya na girlfriend niya na po ulit. Yung mga ginawa naming moments ngayong taon, magagawa pa din po namin yong dalawa. Sa piling na nga lang po ng ibang tao, at hindi na siya ang kasama ko."

Tumayo na ko mula sa pagkakaluhod at kinuha ang mga gamit ko.

Palabas na ako ng simbahan ng tapunan ko sila ng huling sulyap. Huling sulyap para sa pag-iibigan namin ni Benjamin, na nangangahulugang simula naman nilang dalawa.. Magkasama.

THE END.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon