FIRST DANCE

22 6 2
                                    


“Gusto ko ako yung first dance mo,”

“Oo naman, ikaw naman talaga gusto kong first dance eh,”

“Sa Prom, ikaw yung una kong isasayaw.”

“Promise?”

“Promise. Kahit anong mangyari, ikaw ang magiging first dance ko.”

-----------------------------------------------------------

Magagandang kasuotan. Maayos na kapaliran. Puno ng mga bulaklak at mga ilaw. Ang saya siguro kung ang kasama ko ay ikaw.

Habang suot ang kulay pulang off-shoulder na gown na abot hanggang paa, pumwesto na lang ako sa lamesa ng mga kaibigan kong katapat lang nung inyo.

Pilit na ngiti. Pekeng tawa. Puro 'yan lang ang isinusukli ko sa mga taong kumakausap sa akin. Kahit mga kaibigan ko, hindi ako kinakausap dahil alam nilang wala ako sa mood.

Halo ang aking naramdaman. Masaya dahil sa wakas naka-attend tayo sa ganitong klase ng event pero malungkot kasi hindi ikaw yung katabi ko sa upuan.

Dumating na sa punto na magsasayaw na sa gitna ang mga magkakapareha. Tumayo ka't inaya siyang sumayaw sa gitna.

Dapat ako 'yan eh. Sabi mo, ako yung una mong isasayaw. May ilang lalaki din ang nag-aya sa aking magsayaw ngunit hindi ko sila pinagbigyan dahil sa pangako natin. Na ikaw ang una kong sayaw.

Ang sakit pala. Na yung taong nangako sa'yo ng isang bagay, sa ibang tao na tutuparin.

Pinilit ko pa ding panoorin kayo habang masayang nagsasayaw sa gitna. Bagay kayo.

Nang matapos ang isang kanta at umupo na kayo sa lamesa niyo, nilakasan ko yung loob ko para tumayo, at saka lumapit sayo.

“C-can I h-have this d-dance?” nauutal na naiiyak kong sabi sabay lahad ng kamay ko sa harap mo.

Natakot ako. Natakot akong baka hindi mo pahintulutan yung request kong sayaw. Isang sayaw lang.

Nagulat ka nang makita ako sa harapan mo. Ngunit napalitan din ito ng isang pilit na ngiti. Sa pagngiti mo na iyon, alam kong hindi mo ko tatanggihan.

Iba ata charisma ko sa'yo.

Tumayo ka at pumunta tayo sa gitna ng mga nagsasayaw. Parang tayo pa din. Parang..

“Ang ganda mo ngayon,” puri mo sa akin.

“Ang gwapo mo, hindi lang ngayon,” pambawi ko naman sa sinabi mo habang nakangiti, yung totoong ngiti.

Gusto kong tumagal tayo ng ganito. Na hawak ko pa yung kamay mo, yung akin ka pa. Pero sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana.

“Tinupad ko pangako natin,” simpleng sabi ko sa'yo.

Hindi ko alam kung nahiya ka ba dahil sa sinabi ko o ano. Bigla na lamang nalungkot iyang mga mata mo.

“Sorry..”

“Ano ka ba, ayos lang yun. Bagay nga kayong dalawa eh. Pakasaya kayo ha,”

“Yung pangako nat--”

Nilapat ko yung hintuturo ko sa labi mo para maputol yung gusto mong sabihin.

“Shh! Okay lang yun. May mga pangako naman talagang minsan hindi natutupad. Siguro kasama dun yung pangako natin na 'yon. Pwede ba ko mag-favor?”

“Ano yun?”

“Kahit ngayon lang, maging masaya tayo. Kahit sa loob lang ng dalawang minuto,” sabi ko habang nakatingin sa mga mata mo.

Alam kong magmumukha akong desperado dahil sa pabor na yun. Pero masisisi mo ba ako kung mas pinipili kong sulitin yung mga oras na magkasama pa tayong dalawa. Yung huling minuto na ganito tayo kalapit sa isa't isa.

Ngumiti ka naman sa'kin sabay ng pagtango. Napansin kong lumapit yung photographer sa atin at nagtanong kung pwede niya tayong kuhanan. Dahil sa favor ko sayo, tumango ka naman.

Nilapit mo ako sayo kaya magkayakap na tayong dalawa. Ngumiti naman ako kahit hindi mo nakikita.

Malapit ng matapos yung kanta, hinawakan kong muli ang mga kamay mo. Mas mahigpit kaysa sa kanina. Yung tipong ayaw na kitang bitawan kasi alam kong huling beses na kitang mahahawakan ng ganito.

“Thank you.. For being my first.. And only dance for tonight. Siguro nga hanggang dito na lang ako.. Tayo..”

Sa pagtatapos ng kanta, unti-unting lumuwag ang paghawak ko sa kamay mo. Bumitaw na din ako sa paghawak sa balikat mo.

Bago mo pa makita ang pagtulo ng luha galing sa mga mata ko, tumalikod na ako at umalis na sa venue ng prom natin.

Masaya ako. Sobra. Kasi ikaw yung nakasayaw ko. Kasi natupad yung pangako natin sa isa't isa. Hindi man natupad yung ako yung una mong isasayaw, atleast natupad kong ikaw yung una kong sayaw.

Salamat sa lahat. Hinding-hindi ko malilimutan na nagkaroon ako ng isang taong katulad mo. Sana maging masaya ka kasama siya.

Thank you for being my first dance, my love. And goodbye.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon