Chapter 2

170 14 0
                                    

"Nasaan na ang pera?" Bungad sa akin ni mama. Inabangan niya talaga ang pagdating ko sa labas ng bahay.

'Ma may pagkain po ba nagugutom po ako.'

Nanatili na lamang sa aking isipan ang katanungan. Wala pa rin naman siyang pakialam sa akin, sa halip ay baka mapagbuhatan na naman niya ako ng kamay kapag nagtanong pa ako.

Kailan pa kaya mauulit ang mga panahong pagbati at puno ng pagmamahal ang palaging salubong niya sa akin?

Sa kabila ng lahat ng sakit at hirap, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw ay babalik siya sa dati kahit na sa ngayon ay talagang malabo pa ring mangyari ayon sa aking kaibigan.

Nanatili akong nakatayo malayo sa kanya takot na baka masaktan niya dahil masakit pa rin ang buo kong katawan hanggang ngayon.

"Jackie anak, gutom ka na ba? Magbihis ka na muna at ihahanda ko na ang miryenda mo."

"Opo ma," tugon ko sabay hinalikan ito sa pisngi bago tumakbo papunta sa aking kuwarto. Mabilis akong nagsuot ng kamiseta at short upang makabalik kaagad sa kusina kung saan malayo pa lang ay umuusbong na ang amoy ng bagong labas na cookies mula sa oven.

"Tawagin mo muna ang papa mo para sabay-sabay na tayo." Utos ni mama nang akmang kukuha na ako ng cookies. Tumatakbong pumunta ako sa kinaroroonan ni papa na naglilinis ng kanyang sasakyan.

"Papa!" Magiliw kong tawag kaya pinatay nito ang hose na gamit sa paglilinis. Hindi ko naiwasang matalsikan ng tubig na lumabas sa hose.

"Anak nakauwi ka na pala,"

Kaagad niya akong binuhat at hinalikan sa magkabilang pisngi kong matambok.Humahagikgik naman ako sa kiliti at tawa.

"Papa, meryenda na raw po tayo,"

"Gutom na ba ang tabachinching?"

Tumango akong hinimas ang tiyan bilang sagot.

Naglakad na si Papa papasok ng bahay habang buhat-buhat ako sa kanyang mga bisig. Masaya kaming nagkwentuhan at nagtatawanan habang kumakain at madaldal kong ikinikwento ang mga nangyari sa araw ko sa school.

Ang dating punong-puno ng saya kong pamilya ay sira na.

"Akin na nga yan!" Marahas na hablot ng aking ina sa perang kuyom ko sa   aking palad.  Hinablot niya na rin ang plastic na may lamang pagkain na binili ko kanina sa karinderya. Nakangiti itong umalis ng walang kahit na anong sinabi. Siguradong bibili na naman ito ng alak at buong gabing nasa inuman. Muling napahimas na lang ako sa kumakalam  na sikmura.

Inaasahan kong dito kakain si mama at maghihintay na lang ako sa matitira ngunit mukhang nagmamadali itong makabili ng alak sa tindahan dala-dala ang binili kong pagkain.

Matutulog na lang siguro ako mamaya na wala na namang laman ang tiyan. Kakayanin pa naman sa pag-inom ng tubig na mapunan ang gutom na 'to.

"Jackie!" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa akin.

"Ipinapabigay ni nanay sayo," nakangiting inilahad sa akin ni Rebecca ang isang plastic bag . Kitang-kita sa transparent nitong kulay ang tutong ng kanin na may halong sardinas.

"Maraming salamat Ecca! Pakisabi kay Tita Rena, salamat talaga." Malaki ang ngiting tinanggap ko ang pagkain. Kahit pa-paano ay masisidlan nag tiyan ko.

"Namalimos ka naman kanina Jacky. Sana bumili ka na rin nang makakain mo man lang bago mo ibinigay lahat sa mama mo." Puno ng awa na litanya nito sa akin. Nginitian ko lang siya bilang sagot. Napabuntonghininga na lamang siya bilang pagsuko,  alam na alam na nito ang magiging sagot ko kung sakali.

She Died (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon