Chapter 3

134 14 0
                                    

Naalimpungatan ako mula sa ingay ng platong bumagsak sa kahoy naming sahig.

Maingat akong naglakad upang tignan ang nangyayari kung saan bumungad ang hindi na makatayo ng maayos  na si mama sa sobra nitong kalasingan. Gulo-gulo ang buhok nito na mukhang may nakasabunutan na naman.

"Lintek na buhay 'to!" Galit na sambit nito. Mabilis akong nagtago sa likod ng kurtina at pinagmasdan ang kanin na kumalat sa sahig. Inihatid pa ito ni Rebecca kanina nang muli itong bumalik kinagabihan.

"Sayang ang pagkain," mahina kong usal sa sarili

Hindi ako makalapit kay mama dahil alam kong ako na naman ang mapagbubuntunan nito ng galit. Hangga't maaari kailangang iwasan kong makagawa ng ingay upang hindi niya ako mapansin. Hihintayin ko na lamang na makatulog ito bago linisin ang mga kalat.

"Lagotsh shalaga ang chismosang 'yon shakin.Ang lakash ng loob niyang sabihin na isa akong pokpok!"

Kaya siguro ito nagbabasag dahil may nakaaway na naman sa labas ng kanto o isa sa mga nakainuman. Napapitlag ako sa pagbagsak na naman ng plastic naming plato. Maghahanap na naman ako ng mga panibagong ipapalit.

Palaging bukambibig ng mga tao rito sa squatters na pokpok daw si mama pero alam kong hindi siya gano'ng tao.Lasinggera't sugarol ito pero hindi kailanman nagpapagamit si mama sa ibang lalaki.

Maganda si mama at lumaki sa yaman kaso nalugi ang kumpanya ni lolo, ang ama nito. Nalubog sila sa utang at tinulungan naman sila ng pamilya ni papa. Kahit 38 na ito ay tingkad pa rin ang kanyang ganda kaya laging kapansin-pansin ito sa mga lalaki lalo na sa mga naliligaw na mga banyaga. Naghihirap man kaming dalawa ay walang ni isa mang pinatulan si Mama sa mga ito.

"Jackieeee!" Malakas na sigaw nito na siguradong umabot pa sa ilang bahay rito sa squatters.Wala kaming orasan pero alam kong malalim na ang gabi at halos tulog na ang lahat ng tao sa paligid. Dikit-dikit lamang ang mga bahay kaya siguradong madami na naman ang maiinis dahil sa pag-alingawngaw ng kanyang sigaw.

"Hoy! May natutulog na rito!" Malakas na kinalampag ng kapitbahay ang aming dingding na gawa sa marupok na plywood.

"Hoy!" Balik sigaw ni mama sa kapitbahay at akmang lalabas na sa pintuan para sugurin ang nasa kabila.

"Ma,matulog ka na po." Pagpigil ko rito. Natatakot man ay nagawa ko pa ring hawakan ang kanyang kamay para pigilan ito sa maaaring gawing eskandalo sa gitna ng malalim na gabi.Hindi maayos na hinarap ako ni mama at dinuro ang ulo.

"Ikaw! Dapat namatay ka na lang o di kaya ay lumayas ka na at pumunta sa ama mong walang kwenta, magsama kayong dalawa at iwan mo na ako." Paulit-ulit na dinuro-duro nito ang aking sentido.

Hindi ako lumayo, hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay para hindi ito makawala. Mas malakas ako ngayon sa kanya sapagkat wala ito sa sariling katinuan.

"Mama,hindi naman po kita iiwan."

"Kahit sabihin ko sayong ibebenta kita sa mayamang foreigner?" Uyam na mungkahi nito habang nakangisi.Tumahip ng mabilis ang aking dibdib sa matinding kaba. Bumadya ang mga luha na kanina ko pa pinipigilang lumabas.

Kaya nga bang gawin sa akin ng sarili kong ina na ibenta sa isang banyaga? O kahit kanino mang makapagbibigay ng pera sa kanya?

"M-Mama?" Nagdadalawang isip na tawag ko.

Naghihintay ako sa sasabihin nito kung seryoso ba siya o hindi. Lasing lang ito kaya malamang hindi niya magagawa sa akin ang narinig ko mula sa kanyang labi. Hindi lahat ng sinasabi ng lasing ay totoo, galit lamang ito dahil sa nakaaway at ako na naman ang sinasaktan niya sa pamamagitan ng masasakit na salita.

Umaasa ako na kahit katiting ay nasa maayos pa rin itong katinuan sa kabila ng pagkalulong niya lagi sa alak. Maagap ko siyang naalalayan nang muntik na itong matumba papalapit sa akin.

"Walang kwenta talaga ang ama mo Jackie." Mahinang bulong nito sabay humikbi. Ilang taon na ang lumipas pero ang sakit ay sariwa pa rin at paulit-ulit na naaalala ni Mama.

Tuluyan na lang itong nawalan ng ulirat mula sa paghikbi sa kawayang upuan na pinagdalhan ko. Inayos ko ang kanyang katawan para hindi mahulog. Pinunasan ko na rin ng bimpo ang kanyang katawan na inilulublob ko ng paulit-ulit sa maligamgam na tubig. Kung sana hindi kami iniwan ni papa, nasa katinuan pa sana ngayon si mama.

"Hmm, ano ba!" Tinapik niya ang aking kamay kahit nakapikit kaya kinumutan ko na lamang ito ng maayos.

"Ma,bumalik ka na po sa dati. Miss na miss na po kita.…"

Mahinang sambit ko, hindi na rin naman niya maririnig dahil sa malalim na nitong paghilik.

Malalim akong humugot ng hininga at pasalampak na naupo sa kawayang sahig habang pinagmamasdan ang malalim nitong paghinga. Sa mga ganitong paraan lamang ako nabibigyan ng  pagkakataon kung saan maaari akong makapagkwento ng mga nangyari sa araw ko. Kahit alam kong hindi naman niya ito maririnig.

"Alam mo ba Ma…kanina hinabol ako ng grupo ni Drako. Kukunin sana nila ang perang pinaghirapan ko na ibibigay sayo buti na lang at nakahanap ako ng mapagtataguan kung hindi ay uuwi na naman akong walang maibibigay sa'yo at baka tuluyan mo na akong mapalayas."

Nalungkot ako sa huling sinabi. Sa walong taon ay ilang beses na rin naman akong napalayas nito pero bumabalik pa rin ako kahit na nakakatanggap ng pananakit mula sa kanya.

Kaya kong tiisin ang mga pisikal at emosyonal na sakit kaysa mawalay ng matagal sa kanya. Marahan ko na namang pinunasan ang kanyang leeg nang kumamot ito.

"Alam mo ba kung saan ako nakapagtago kanina Ma? Sa imbakan po ng basura. Hindi nila ako nakita kaya talagang maaasahan din po pala ang imbakan pagdating sa pagtatago.Ano sila siniswerte? Akala siguro nila Ma mabilis lang nila akong matatakot porket payat lang ako,  kayang-kaya ko pa rin silang labanan."

Iniangat ko ang braso at pinagmalaki ang maliit na muscles sa mukha nitong mahimbing ang tulog. Lumupaypay ang aking balikat nang pumasok na naman sa isipan ang katotohanang bukas kapag nagising na siya ay mawawala na naman ang kaamuhan sa mukha nito. Gusto ko na sanang sumuko pero pumapaibabaw pa rin sa akin ang magpatuloy kahit anuman ang hamon  na dumating sa aking buhay.

"If I give up, would you be okay?" I asked as if she could answer me.

"Nah," marahas kong iling.  "Liam kaya ang second name ko at katulad ng pangalang ibinigay mo sa akin I am a strong willed warrior. Ikaw ang nagturo sa akin na maging matatag sa lahat ng hamon sa buhay."

Grade 3 lang ang natapos ko pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang magsalita ng Ingles. Mula kinder hanggang grade 3 ay nakapag-aral ako sa isang private school kung saan ay Ingles ang ginagamit sa pagsasalita.

Si mama ang nagturo sa akin na maging matatag pero siya rin ang unang sumukong magpatuloy sa buhay. Ngayon, ginagawa na nitong patapon ang buhay.

"Narito pa po ako, sana 'wag mong kalimutan, Ma. Goodnight."  I said and kiss her on the cheeks.

I'll always be my mother's warrior that will fight not only my own battle but also hers. If she's not capable of leading her own battle I'll be the one to took the courage to fight for us.

08/17/20
-MitchVio
Don't forget to vote and comment. Lovelots.

A/N: Buti na lang talaga nakapagUD ako ngayon. Mahirap pa naman magsulat kapag maingay. Anyway, sana lahat talaga october 5 pa ang pasukan.

She Died (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon