Chapter 11

89 6 0
                                    

N/A: Balik tayong muli sa mga nangyayari sa kanila ni Jackie at Gab.

Jackie's POV

"A-ano 'y-yon?" utal kong tanong habang nanginginig ang aking mga tuhod. Magkalapat pa rin ang katawan namin at nakatakip ang kanyang kamay sa bibig ko.

"Shh....I told you to lower down your voice or just shut up," he reproof. Ako na ang kusang nag-alis ng kamay niya mula sa bibig ko. Kung ano-ano na ang nahawakan ng kamay niya tapos dinikit pa talaga niya sa bibig ko. Yak!

"Ano ang kaluskos na 'yon?" Mahina kong mungkahi na parang bumulong lamang ako sa hangin, hindi ko rin siya tinugilan sa pagkulbit. Kaonting pagkakamali ko lang ay maaari kaming dalawa na mapahamak.

Hindi pa nga ako namamatay nang tuluyan ngunit papatayin naman ako ng kuryosidad hangga't wala akong sagot na makuha.

"Fine! It's a snake." Naiirita niyang sa akin. I pouted when he slightly push me away from him but I stride back to him because of scared.

Takot ako sa ahas at sa lahat ng klaseng hayop o insekto na gumagapang. Kaagad kong hinablot ang damit niya para kumapit, takot na baka mayroon pang makita. Hindi na napakali ang mga mata at tenga ko na pinakiramdaman ang paligid. Bahala nang malukot ang damit niya kami lang namang dalawa rito.

"May balak ka bang sirain ang damit ko?" Sarkastiko nitong aniya.

Mabilis ko siyang binatukan dahil napalakas ang tinig nito. Naaninag ko ang naiinis nitong mukha habang parang pinipigilan na sakmalin ako.

𝐴𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑢𝑙𝑜 𝑙𝑎𝑔𝑖!

"Shh. I told you to lower down your voice or just shut up." I copied her reproof earlier with my airly voice.

"Tsss.." he hissed and grimace.

"Dito na lang muna tayo. Hindi ko na kayang magpagala-gala pa sa ganito kadilim na lugar," napapiyok ang boses ko sa pinahayag. Pakiramdam ko ay magbre-breakdown na ako sa sobrang takot.

Ang mapadpad sa isang estrangherong lugar, ang magkaroon ng kasama na sobrang arogante at sumama rito kahit saan sa kabila ng pagod ay napakahirap.

Gusto ko ng makaalis dito.

Walang imik lamang ito pero naramdaman ko naman ang pagtabi nito ng upo sa akin. Nang masanggi niya ang braso ko ay gumalaw ito at naglagay nang pagitan sa amin. Medyo masakit sa pwet ang matulis na batong kinauupuan pero maayos na 'to kaysa lumapag kami sa damuhan.

"Akala ko ba matapang ka?" He suddenly mocked.

"Matapang kong hinaharap ang bawat hamon sa buhay. Wala akong sinabing hanggang sa pagharap sa mga ligaw na kaluluwa ng mga hayop dito," tuya kong sagot sa kanya. "Wala ba talagang daan para makabalik tayo sa mga katawan natin?"

Hindi na naman niya ako pinansin. Katulad ng inaasahan ko, muli kaming binalot ng katahimikan lalo na at tinatamad na akong magdaldal. Masakit na ang lalamunan ko sa pagdadaldal samantalang parang wala naman pala akong kausap.

"Hintayin na lang natin ang magliwanag para mas ligtas sa atin ang magpagala-gala. We are safe here, for now."

I didn't respond.Ang ingay ng mga insekto at maya-mayang kaluskos ay nagkakaroon ng epekto sa akin. My defense mechanism was ready if something will attack us. Mas gusto ko pa na hinahabol ng grupo nila Drako at ng iba pang batang kalye kaysa sa ganitong sitwasyon na hindi ko alam kung ano ang kayang gawin sa amin ng iba't-ibang hayop na narito.

Kung natatakot ako isa lamang ang bagay na nagbibigay sa akin nang lakad ng loob. Napahawak ako sa krus na kwintas na suot ko. This was the last gift I received from my father. It somehow comforted me and I feel safe that I able to close my eyes.

She Died (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon