Jackie's POV
Nang magising ako ay kaagad hinanap ng aking paningin ang babaeng laging laman ng aking panaginip ngunit dismayadong napapikit na lamang ako nang walang makita.
My mom always leave when I'm already asleep since she needs to go to her work on morning while my father arrives every time I'm already unconsciuos. I rarely see him though.
"Nurse pwede ba akong makapaglakad sa labas?" Hinging pahintulot ko sa nurse na nagcheck ng aking IV. She throw me questions about what I am feeling and if I still experience mild headaches. May itinurok ito sa tubo ng IV fluids na nakaturok sa akin.
"Yes ma'am, ipapakuha kita ng wheelchair pero may kasama ka po ba?"
"Wala po e'. Kaya ko na rin namang maglakad mag-isa. Dito lang naman ako sa loob at gusto ko ring maexercise ang mga paa ko." Nakangiti kong pahayag para iparating na kaya ko talaga.
"Sigurado ka ba ma'am? Tatawag na lang ako ng pwedeng mag-assist sa'yo."
"Ayos lang po talaga ako," kumbinsi ko sa kanya.Gumalaw ako atsaka mabagal na inilapag ang paa sa sahig. Mabilis naman nitong inilapit sa akin ang isang pares nang tsinelas. Medyo nanibago pa ako sa paglalakad kaya muntik na akong matumba.
Mahigit pitong buwan akong nakahiga lamang kaya nanlalambot pa ang aking mga paa at mahihina ang aking mga buto. Mabuti na lang at mabilis akong naalalayan ng nars bago sumalampak sa sahig.
"Umupo ka na lang muna kukuha na lang ako ng wheelchair at may sasama sa'yo. Huwag mo munang biglain kaagad ang katawan mo lalo na at kakagaling mo lang sa comatose."
Bilin nito kaya wala akong magawa kung hindi ay sundin ito. Ayokong pag-alahanin ang iba para lang ipagpilitan ang kagustuhan ko.
Mabilis naman na nakabalik ang nars na may wheelchair sa likuran, tulak-tulak ng lalaking nakasunod.
"Siya muna ma'am ang aalalay sa'yo." Imporma nito. The guy show me a friendly smile and both of them assisted me to move.
"Saan mo gustong pumunta ma'am?" Tanong ng lalaking tumutulak ng wheelchair.
"Tawagin mo na lang po akong Jackie," ani ko sa kanya.
Wala pa rin akong maalala tungkol sa aking pagkatao kung sino man ako ngunit sa kabila nang pansamantalang amnesia'ng nararanasan ko nararamdaman ko pa rin ang pagmamay-ari sa aking pangalan.
My father said that my name is Jackie Liam Feline. Gusto kong alalahanin ang lahat pero sobrang hirap gawin. Kapag pinipilit ko ay parang bibiyakin naman ang aking ulo sa sobrang sakit. Parang isa na naman akong bata na wala man lang alam na kahit ano o kilala maliban sa mga magulang ko.
"May chapel po ba rito?" I asked as we pass through different private rooms.
"Meron, gusto mo bang dalhin kita roon?"
"Opo."
Wala akong masyadong pasyente na nakikita sa labas ng kanilang mga kuwarto. May mga nurses na ngumingiti habang nakakasalubong namin at ang iba naman ay lumalagpas lang.
Biglang umingay ang paligid at saglit kaming huminto nang may mga nagmamadaling nurses at doctor na tumatakbo ng mabilis patungo sa iisang kuwarto. I think there's an emergency happened. Nagpatuloy lamang kami nang wala ng nagtatakbuhan sa hallway.
I heard the woman's cry as we pass in front of the room where the crowded medical team are inside. Nakaupo ang ginang sa labas habang nakayuko kaya hindi ko nakita ang kanyang mukha.
"Harry huwag kang masyadong nagtatakbo at baka madulas ka!" Narinig kong paalala ng isang lalaki sa batang tumatakbo sa loob ng isang pribadong kuwarto.
BINABASA MO ANG
She Died (Completed)
Roman pour AdolescentsNang isilang kagandahan ng mundo ay nasilayan. Kumpletong pamilya nakasama sa kamalayan.Ngunit hindi inaasahang kalupitan sa batang edad ay mararanasan. Tunghayan ang nakakaantig na damdamin ng isang batang minsan lamang naranasan ang pagmamahal bag...